A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Jerson's POV
Tinuro sa'min ni Lily ang daan papunta sa room kung saan nando'n si Mrs. Laurent. Kung nasa kaliwa ng building sila Gab para makipaglaban at para kay Mr. Bernadette, nandito naman kami ngayon sa kanan kung saan puro password at kung anu-ano pa ang madadaanan. Sinabi ni Lily na sa isang silver na pinto raw tinatago si Mrs. Laurent, ang problema lang ay hindi namin makita ang pintong 'yon.
"Isang pinto lang ba naman hindi pa na'tin mahanap, tsk" asar na sabi ni Mike habang paikot ikot dito sa loob ng isang kwartong walang laman na kahit ano. Kahit anong gamit ay wala, puro pinto lang. Kaya lang, pag pumasok ka sa isang pinto ay pinto rin ang kasunod nito. Pakiramdam ko tuloy 'pag pumasok ako sa isa sa mga 'yon ay hindi na ko makakalabas.
"Pa'no kung wala sa mga pintong 'yan ang sagot?" Napatigil sa paghahanap ang mga kasama ko at saka takang napatingin sakin. Humarap naman ako sa kanila. "Kung dumaan sila Gab sa secret door, posibleng isang secret door din ang hinahanap natin" nagkatinginan naman silang tatlo at napatango.
"So we just need to find something strange?" Tanong ni Kyle na tinanguan ko.
Nagsikilos na ulit kami at naghanap ng bagay na kahinahinala. Kung may secret button ba o kahit anong secret pa 'yan. Kung nakikipagtulungan si Bernadette sa isang agent, siguradong yung Albert na 'yon ang nagpagawa ng gan'tong klaseng mga pinto. Nakakahilo.
"Ano 'to?" Tanong ni Jason sabay hawak sa pader, bigla nalang siyang napatingin sa sahig na ipinagtaka namin. Napatingin din tuloy kami ro'n.
Do'n sa isang parte ng tiles ay may isang puzzle, kaya lang naka-jumble 'yon.
"Baka kailangan 'yan buuin" sabi naman ni Mike sabay tingin sakin. Tsk, ako pala ang bubuo ah.
Umupo ako sa sahig at saka sinimulang buuin ang puzzle. Medyo nahirapan ako dahil walang pattern o kung ano pang kulay yung puzzle na 'to, plain white lang.
Halos inabot ako ng sampung minuto sa pagbuo ng puzzle na 'yon. Tumayo na ako at saka tumingin sa mga kasama ko.
"Ano---" napatigil sa pagsasalita si Jason ng bigla nalang may isang pinto na bumukas. Nagkatinginan kaming apat bago sabay sabay na pumunta sa pintong 'yon.
Sumilip kami sa loob at nagulat sa nakita. May pitong pinto kasi, kaya lang walang silver sa mga 'yon.
"Nanggaling na ko rito kanina pero hindi ganito ang nakita ko" sabi ni Mike.
"Baka naiba 'to dahil sa puzzle na binuo kanina" sabi naman sa kaniya ni Jason kaya napatango nalang siya.
Pumasok kaming apat sa loob ng kwartong 'yon at muli naming nilibot ang tingin namin sa loob nito. Wala ring ni isang gamit sa loob nito, kagaya sa labas. Isa isa kong tiningnan ang pinto, iba iba ang kulay nito. May yellow, red, blue at iba pa. May mga numbers din na nakalagay sa bawat isa. One to seven.
"Naka-lock yung mga pinto" sabi ni Mike. Pumunta ako sa kulay orange na pinto at sinubukan itong buksan pero naka-lock din ito. Gano'n na rin ang iba pa.
"Imposibleng kailangan pa nating nahanapin ang mga susi niyan dahil muka namang hindi sila tatalaban ng susi" napatango naman ako sa sinabi ni Jason. Hindi 'yon tatalaban ng susi dahil wala naman kasi 'yong doorknob o kung ano pang susian. Tanging pinto lang talaga na ayaw mabuksan.
"I think i know the pattern" sabay sabay kaming napa lingon kay Kyle ng bigla siyang magsalita. Seryoso siyang nakatingin sa mga pinto na para bang pinag-aaralan ang nga ito. "These are the colors of rainbow" napatingin kami sa pinto at tama nga siya, yung mga kulay ng pinto ay kulay ng rainbow.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...