Chapter 81

11.8K 449 45
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Kanina pa kami bumabiyahe at sa totoo lang naiinip na ko. Tiningnan ko kung anong oras na sa cellphone ko dahil sa tingin ko hapon na.

1:46 na. Ibig sabihin mag-iisang oras na kaming bumabiyahe?

"Malayo pa ba tayo jan sa bahay ng kakilala mo na kakilala ko ha?" Tanong ko at lumingon naman siya sakin ng nakangiti at may tinuro sa kabilang bahagi ng daan. Isang maliit na bahay.

"Nandito na tayo" sabi niya at saka ipinarada sa harap ng bahay na 'yon ang kotse. "Hindi siya lumalabas ng bahay kaya siguradong nanjan siya ngayon" at saka siya lumabas ng kotse. Gano'n na rin ang ginawa ko, kinuha ko muna ang mga gamit na nasa harapan ng kotse bago ko pinagmasdan ang bahay na nasa harap namin.

Hindi 'to kasing laki ng mga bahay ng kaklase ko o ng kahit na sino na kakilala ko. Napaka normal at simple lang nito. Kahit gano'n ay hindi maitatago ang kagandahan ng bahay. Marami rin kasing nakatanim na mga halaman sa paligid nito.

"Ano Gab? Tititigan mo nalang ba ang bahay na 'to? Baka gusto mong pumasok" humarap ako kay Lily at saka nagpilit ng ngiti. Kung matino lang ang pag-iisip niya hindi ako magdadalawang isip na sagot sagutin at pilosopohin siya.

"Eto na eto na, tinitingnan ko lang yung bahay eh, tsk" sabi ko at saka tumabi sa kaniya. "Ikaw mauna, susunod ako" tumango naman siya.

Kumatok siyang tatlong beses, ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kumatok ulit siya pero wala talagang nagbubukas ng pinto.

"Tsk, baka naman walang tao jan"

"Imposible 'yon, hindi naman siya-"

Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto, sabay kaming napatingin do'n. At yung nagbukas ng pinto? Bwisit kilala ko nga siya! Hinding hindi ko makakalimutan ang taong 'to. Tsk.

"Sabi sayo nandito siya eh" nakangiting sabi ni Lily bago tumingin sa lalaking kaharap namin. Medyo nakapikit pa siya at mukang antok na antok pa.

"Anong kailangan niyo?" Sabi nito.

Napakamot ng ulo si Lily at saka tumuro sakin. "Kailangan namin ng tulong. Kaibigan ko nga pala, si Gab. Magkakilala na kayo diba?" Pagpapakilala sakin ni Lily. Dahan dahang napatingin ang lalaki sa'kin at saka nanlaki ang mga mata. Si Lily lang kasi ang tiningnan niya kanina.

"O-oo, magkakilala kami" utal na sabi niya at saka umayos ng tayo. Hinawi rin niya ang buhok niya bago buksan ng tuluyan ang pintuan. "Pasok kayo" sabi niya kaya pumasok na kami ni Lily sa bahay niya. Mukang nagtaka si Lily sa reaksyon ng lalaking may ari ng bahay na 'to pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Gusto niyo ng tubig?"

"Sige sige!" Dali daling sagot ni Lily kaya naman kumuha agad ng tubig ang lalaki. Habang nasa kusina 'yon ay biglang tumingin sa kin si Lily. Kakaibang tingin.

"Pa'no kayo nagkakilala ni Ken?" Seryosong tanong niya.

Oo, si Ken, si Ken Cedric Wright ang kakilalang sinasabi ni Lily. Ang lalaking muntik ng lumason kay Shades. Tsk. Buti nalang nando'n ako.

"Schoolmate ko siya" sagot ko kay Lily, pero mukang hindi siya kumbinsido. Hindi naman ako nagsisinungaling ah?

"Yun lang? Kaya kayo magkakilala ay dahil schoolmate mo siya?" Bakit ba ang dami niyang tanong? Ano namang kakaiba ro'n kung magkakilala kami?

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon