Chapter 41

17.5K 802 117
                                    

Gab's POV

Napaluhod ako sa lupa kaya naman napatakbo agad si insan sa tabi ko.

"I-insan! A-ayos ka lang?" Nanginginig na tanong niya. Napa-sibangot naman ako.

"M-muka ba k-kong ayos lang?" Naka-pout na tanong ko sa kaniya, nauutal utal na rin ako dahil nahihirapan na kong magsalita. Sh*t ang sakit talaga. Sa tagiliran ako tinamaan.

"Umayos ka nga insan! Pati sa ganitong sitwasyon nakukuha mo paring magbiro" galit na sabi niya sakin. Parang naging kuya ko siya ngayon ah. Hinawakan niya ko sa balikat pero lalo lang sumakit yung tagiliran ko kaya agad din niyang binawi ang kamay niya.

"Dadalhin ka namin sa hospital" biglang sabi ni Shades kaya napatingin ako sa kaniya.

"C-concern?" Tanong ko pa pero tiningnan lang niya ko ng seryoso sa mata. "A-ayoko sa hospital. Sa b-bahay niyo ko d-dalhin" sabi ko nalang habang hinahawakan ang parte ng katawan kong tinamaan ng bala ng baril kanina.

"Pero insan, kailangan--" agad kong pinigil ang sasabihin niya.

"A-ayoko nga!" Sigaw ko na kaya naman nagulat silang lahat. Lahat sila halatang nag-aalala sa lagay ko. Ayoko ng ganiyan sila sa 'kin, hindi ako sanay. Nakita kong tumutulo na ang dugo galing sa tagiliran ko kaya lalo ko itong diniinan gamit ang kanang kamay ko.

"Gab, kailangan kang magamot ng doktor" sabi ni Christian habang lumalakad palapit kay insan. Mukang gusto niya rin akong alalayan.

"Oo nga ate" pagsang-ayon naman ni James.

Wala akong nagawa kundi ngitian silang lahat.

"D-dalhin niyo nalang ako k-kay kuya" huling salitang lumabas sa bibig ko bago ako mawalan ng malay.

Jc's POV

Agad kong inilagay sa tagiliran ni insan ang kamay ko ng bigla siyang mawalan ng malay. Bwisit! Bakit ba kailangan pa 'tong mangyari, siguradong mapapagalitan ako ng kuya niya kapag dinala ko si insan sa kaniya na ganito. Pero...

'D-dalhin niyo nalang ako k-kay kuya'

Yun ang sinabi niya, kailangan yun ang gawin ko.

Binuhat ko si insan habang si Jules naman ay nakahawak sa tagiliran ni insan. Kailangan na namin siyang maiuwi.

"Dadalhin ba natin siya sa hospital?" Biglang tanong ni Jake. Halatang nag-aalala talaga silang lahat.

"Hindi" sagot ko habang naglalakad kasabay si Jules para dalhin si insan sa loob ng van. Bigla naman sumulpot si James sa tabi ko.

"Pero pano na si ate?" Nag-aalalang tanong niya. Mukang iiyak na siya.

"Dadalhin natin siya sa bahay" sagot ko. Agad namang nagtaka si Mike sa sinabi ko.

"Susundin mo yung sinabi niya?" Tanong niya habang binubuksan yung pinto ng van.

"Oo, hindi niya 'yon sasabihin ng walang dahilan" sagot ko kay Mike.

Kilala ko si insan. Hindi niya 'yon sasabihin kung wala 'yong ibig sabihin.

Tumango nalang sila at tsaka sumakay na sa sasakyan nila. Kailangan naming magmadali.

Si Jules ang driver ngayon habang ako ay nasa passenger seat. Si insan ay nakahiga sa likod habang nakaunan sa kandungan ni James. Naaawa ako sa itsura ni James, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan. Pati si Dave kanina halatang nag-alala rin.

"Magiging maayos kaya agad ang lagay ni ate?" Nag-aalalang tanong ulit ni James.

Napabuga naman ako ng hangin, pinilit kong ngumiti para mabawasan ang pag-aalala ni James. "Magiging maayos siya, James. Sabi nga nila, matagal mamatay ang masamang damo" pinilit kong magbiro pero sinamaan lang niya ko ng tingin. Huminga nalang ako ng malalim at tumingin kay Jules.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon