A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
-----flashback-----
Tsk. Tsk. Tsk.
Bakit ba hindi ko agad naligtas si Shades? Ganon ba 'ko kahina?
Naturingan pa namang rank 2.
Wala pa kong task na hindi nagagawa. Lahat ng iniutos sakin noon ay nagawa ko ng maayos at mabilis. Pero ngayon, bakit parang ang hirap?
Padabog akong humiga sa kama at saka ko hinagis yung cellphone ko sa kung saan. Bahala na kung saan 'yon mapunta, wala ako sa mood para mag cellphone.
Kinuha ko yung unan na nasa kama at saka ko yun hinagis.
Andami ko nang naligtas. Hindi ko sila kaano ano o ano man, trabaho ko lang yung nagtulak sakin para gawin 'yon. Lahat ng iniuutos sakin sinusunod ko. Lahat ng pinapaligtas sakin nililigtas ko. Halos lahat ginawa ko para makaabot sa rank 2. Halos ibuwis ko na nga ang buhay ko eh.
Pero bakit yung taong mahalaga sakin hindi ko naligtas?
Yung taong nagparamdam sakin ng... ng kakaiba.
Yung taong kahit walang ginagawa kaya akong pangitiin.
Umikot ako sa kama at muntik na kong mahulog pero wala akong paki. Sinabunutan ko lang ang sarili ko at saka sumigaw habang nakatakip ang unan sa muka ko.
Ayokong may makarinig sakin. Ayokong isipin nila na pinanghihinaan ako ng loob.
Wala pa namang nangyari kay Shades ah? Kinuha lang siya. Normal lang 'yon. Normal??? Anong normal?
Bumangon ako at saka napatingin sa buong kwarto ko.
Bakit ba ko nagkukulong?
Nakidnap lang si Shades, hindi pa siya mawawala sakin. Mababawi ko pa siya.
Tsk, ano bang pumasok sa isip ko kanina at nagalit agad ako? Gano'n ko ba siya kamahal? HAHA
*ting!*
Napatingin ako sa kung saan saan ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. May nagtext!
Teka, nasa'n na ba yung cellphone ko???
Bwisit!
Tumunog pa ng isang beses yung cellphone ko kaya agad ko siyang nahanap. Buti nalang at may training kami sa SAP kung saan kailangang maging matalas ang pandinig para mahanap ang nawawalang bagay.
Kinuha ko agad ang cellphone ko sa likod ng bedside table at saka tiningnan kung sino ang nagtext.
Hmm? Unknown number. Sino naman 'to?
Binuksan ko ang message at nagulat ako ng makita ang isang picture ng babae na nakahiga sa hospital bed. Medyo payat siya at halatang matagal na siyang nasa hospital. Base sa nakikita ko, may katandaan na siya.
Hindi lang yung picture na 'to ang sinend ng sender.
"Siya si Mrs. Leonila Laurent. Matagal na siya sa hospital na 'yan at matagal na niyang tinatago ang babaeng 'yan. Gusto kitang tulungan kaya sana pagkatiwalaan mo ako, ulit.
-Angel"
Yun ang sabi niya. At saka, ayan na naman yung pangalan na Angel. Kung ibabase ko 'to sa mga nasaksihan at nalaman ko, posibleng si Lily 'to. Pero bakit hindi nalang niya ako deretsohin na siya si lily? Bakit kailangan pa niyang gamitin ang pangalang Angel?
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Fiksi RemajaLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...