Gab's POV
Nagagalit ako, naaasar, kaya naman iniwan ko sila sa baba at umakyat nalang sa balcony para magpahangin. Ipinatong ko ang braso ko sa railings ng balcony at tsaka nilanghap ang simoy ng hangin. Gusto kong mapag isa, kahit ngayon lang.
"Hoy"
Bigla akong napalingon sa likod ko ng bigla nalang may nagsalita. Tss, akala ko kung sino. Si Mr. Shades lang pala, gabi na tapos naka shades parin siya? Anong trip yan? Hindi ko nalang siya pinansin at sa halip ay tumingin nalang sa mga bituin sa langit.
Pano akong makakapag isa, kung nandito to?
"Psstt.."
"Oyy" tawag uli niya. Pangatlong beses na yan ah. Ano bang kailangan niya. Tinignan ko siya tsaka nagsalita.
"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya. Ang haba ng pilikmata niya at ang itim na itim naman ang pupil non. Kaya naman hindi ko maitatangging, gwapo talaga ang isang to.
"Mmmm... Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sa halip ay tumingin nalang ulit sa bituin sa langit.
"Nagpapalameg, baket?" Sagot ko.
"Wala naman" yun lang ang sinabi niya at wala na kong narinig na ingay pagkatapos non.
Naglakad siya palapit sakin at tumabi sa gilid ko. Gaya ko, ipinatong din niya doon ang mga braso niya at tumingin sa langit.
"Anong tinitingnan mo?" Tanong ulit niya. Bakit ba ang hilig nito'ng magtanong.
"Hindi ba halata? Malamang tinitingnan ko yung mga star sa langit, alangan namang araw ang tinitingnan ko" malumanay na sagot ko. Pero halatang naasar ang tono ko. Sinabing gusto kong mapag isa eh.
"Bakit ba parang asar na asar ka sa akin?"
"Dahil sa muka mo? Ewan ko" eh sa hindi ko naman talaga alam kung bakit ako naasar sa kanya e.
"Sa muka ko? Ang gwapo ko kaya"
"Geeezzzee, biglang lumamig ah. Ang hangin ata ngayon" kunwaring nilalamig na ani ko.
Bigla ko namang naramdaman ang paglapit niya sakin kaya napaatras ako. "Anong gagawin mo?" Tanong ko habang naniningkit ang mga mata.
"Yayakapin ka" sagot niya habang nakatingin sa mata ko.
"H-ha?" Tanong ko ulit. Kunwaring hindi narinig ang sinabi niya.
"Sabi ko, yayakapin kita" sabi niya at lalo pang lumapit. Napasandal naman ako sa pader kaka atras. Ano ba'ng trip ng lalaki na to?
Hinarang ko naman ang kamay ko sa harap niya bago pa siya makalapit. "B-bakit? Sino may s-sabi sayong yakapin mo ko?" Utal utal na tanong ko.
"Sabi mo nilalamig ka? Edi yayakapin kita" mukang inosenteng ani niya.
Tinulak tulak ko siya tsaka lumayo ng kaunti sa kanya. "Sineryoso mo naman?!" Asar na tanong ko. Nakakaasar kasi siya.
"Huh?" Naguguluhang tanong niya.
"Hindi talaga ako nilalamig, sinabi ko lang yon dahil ang hangin mo. Ang slow mo rin pala noh?" Naasar na talaga ako sa lalaking to.
"Alam ko"
"Anong alam?"
"Alam kong hindi ka talaga nilalamig"
"Eh bakit ginawa mo yon?"
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...