Chapter 21

22.8K 803 61
                                    

Gab's POV

Lunes na naman. May pasok na naman -_-  . Bakit ba tamad na tamad ako pumasok? Sabagay tamad naman talaga ako.

Pumasok na ako sa banyo para maligo, pagpasok ay agad kong ni-lock ang pinto. Isa isa kong tinanggal ang lahat ng damit ko bago tumapat sa shower. Tinitigan ko muna yung shower, at pinanliitan yon ng mata. Dahan dahan kong binuksan ang shower at agad na tumama ang malamig na tubig sa katawan ko kaya bigla ko ulit 'yong pinatay.

Aishhh, ang hirap maligo ng ganito.

Huminga ako ng malalim at umiwas muna sa shower. Unti unti ko 'yong binuksan. Una kong binasa ang paa ko, napaka lamig ng tubig. Pagkatapos ay inilagay ko naman ang kamay ko sa tapat ng tubig. Tapos yumuko ko para basain ang buhok ko. Nang masanay ang katawan ko ay tsaka lang ako umayos ng tayo.

Pumikit ako at tumingala para damhin ang tubig. Hinayaan ko lang na umagos ang tubig pababa sa katawan ko. Nakakarelax sa katawan ang tubig, ang sarap sa pakiramdam.

"Hoy insan bilisan mo jan!"

"Oo na eto na nga eh!"

Asar kong kinuha ang shampoo at inilagay yon sa buhok ko. Paepal kasi si insan.

-

-

Pagkayaring magbihis ay agad na akong tumungo sa dining area. Agad ko silang nakita na nakaupo na, ako nalang pala ang hinihintay nila. Agad akong umupo sa tabi ni insan.

"Antagal mong maligo" bulong niya.

"Epal ka kasi" sabi ko sabay nguso. Inaantok parin ako. Nagsimula na silang kumain kaya sumabay na ko sa kanila. Konti lang ang nakain ko dahil inaantok pa talaga ako. Halos ala-una na kasi ng matulog ako.

Pagkatapos kumain ay sabay sabay na kaming naglakad papuntang LIS. Katabi ni insan si Shades na walang kibo at nakatutok lang ang mata sa daan, parang wala siyang pakialam sa paligid. Habang ako katabi ko naman si Jerson. Tahimik naman talaga to e, kaya lang napapadaldal din dahil sa mga kasama niya.

Ng malapit na kami sa boys Campus nakita ko na naman yung mga babae. Ang sasama ng tingin sakin. Tanggalan ko sila ng mata e.

"Para namang matatakot nila ako sa patingin tingin lang" bulong ko na muka namang narinig ng ilan naming kasama. Bigla namang lumapit sakin si James.

"Mas maganda ka naman sa kanila ate kaya wag kang mag-alala" sabi niya tapos kumindat.

"Nang uto ka pa tsk" iiling iling na tugon ko sabay batok sa kaniya ng mahina. Napahawak naman siya don. Bigla nalang tumingin sa amin si Shades, hindi ko alam kung ano samin nga ba talaga siya nakatingin, bakit kasi kailangan pang suotin yon?

Pagdating namin ng 5th floor kung saan may isang room lang, syempre room namin yon. Napansin agad namin ang isang papel na kulay light brown na nakadikit sa pinto. Kumikinang yon sa malayo kaya hindi halatang papel.

Nilapitan namin yon at binasa naman ni insan ang nakasulat.

This is the start

"This is the start? Anong ibig sabihin niyan?" Tanong ni Jerson.

Napatingin si Christian at Shades malapit sa hagdan papunta dito.

"Nanjan na si Sir" sabay na bulong naming tatlo. Nagkatinginan kami at napangisi. Pare pareho kami ng naisip. Ang lakas ng pakiramdam nilang dalawa, nakakamangha.

Agad na kinuha ni Shades ang papel at inilagay sa bulsa niya. Bigla ko namang binuksan ang pinto at tumatakbong tinungo ang upuan ko malapit sa bintana. Sumunod naman silang lahat. Ilang segundo lang ay nakita na namin si Sir Sarmiento na naglalakad papunta sa room namin. Sakto lang ang dating namin.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon