Chapter 17

23.1K 879 112
                                    

Jc's POV

Agad nilang hinawakan sa braso si Christian para hindi na ito makawala. Umaktong hahawakan ako ng isang lalaki kaya naman agad akong lumayo.

Medyo pumasok na ko sa loob ng room kung saan nandoon ang babaeng tumutulong sa 'min. Nakuha namin ang atensyon niya kaya naman napalingon siya, medyo nangunot ang noo niya pero agad din yong bumalik sa dati. Agad siyang tumakbo palapit sa amin kaya naman medyo napalayo ang mga lalaki. Una niyang binigyan ng flying kick ang may hawak kay Christian, agad naman 'yong tumumba. Bigla nalang akong hinatak ng isang lalaki at inilapit sa kaniya pero agad kong binaliktad ang kamay niya para sana suntukin siya sa muka pero ginamit niya yon bilang pag-atake sa akin.

Nasipa niya ko sa dibdib, matutumba sana ko ng pasimpleng dumaan sa likod ko ang babae para hindi ako matumba at agad na pinatid ang nanipa sakin at sunod sunod na pinagsusuntok. Bakit parang agad siyang nagalit? Siguro crush ako nito. Pogi ko talaga.

Sinuntok ni boss ang lalaking nasa harap niya at pinagtatadyakan. Pero kahit anong gawin niya hindi parin yon tumutumba. Aba matibay to.

Agad 'yong tumayo at ginantihan si boss. Tinamaan si boss sa muka kaya naman napaatras siya. Bigla naman siyang sinipa sa likod ng isa pang kalaban kaya nakadapa na siya. Agad siyang bumangon at hinila ang lalaking sumipa sa kaniya kaya naman nagkapalit na sila ng posisyon. Inuntog niya ng dalawang beses ang lalaki sa sahig kaya naman nawalan ito ng malay. Agad naman siyang pinalo ng kasamahan nito sa ulo kaya nahilo hilo siya ng konti.

Eto na ang pagkaka taon ko para magpakitang gilas hehe.

Agad kong hinila ang ulo ng pumalo kay boss at tinuhod ito sa muka. Oh yeah. Akala ko panalo na ko pero bigla nalang may humampas ng kahoy sa kanang paa ko kaya naman agad akong nawalan ng balanse.

Lumapit sa lalaking yun ang babae at agad 'yong sinuntok sa muka. Hinila niya si Christian at Jules papunta sa likod niya pero naiwan ako dahil hinatak ako ng dalawang lalaki. Bigla nalang nag labas ng patalim ang isa kaya naman natigilan kaming lahat. Nanlaki ang mata ko at biglang kinabahan. Anim na lalaki pa ang natitira at ang iba ay wala ng malay. Hinigpitan ng dalawang lalaki ang pagkakahawak sa kamay kong nasa likod ko, tsaka nila tinutok sa leeg ko ang patalim.

'Ito na ba ang katapusan ko?'

Medyo na papapikit na ko ng dahil sa sobrang kaba'ng nararamdaman ko.

"Ibibigay niyo siya samin o tutuluyan ko na 'to?" Tanong ng lalaking may hawak ng kutsilyo na ang tinutukoy ay si boss. Hindi. Hindi nila pwedeng makuha si boss, ako muna ang makakalaban nila bago nila yon magawa. Matagal ko ng kaibigan si boss, tinutulungan din niya ko sa mga kaaway ko. Kaya naman hindi pwedeng hindi sila dumaan sakin.

Pinilit kong kumawala pero hindi ko talaga makaya. "Bitawan niyo ko" pakiusap ko pa sa dalawa pero hindi nila ko pinansin at nakatingin lang sila kala Christian. Isa pa 'to. Wala ba siyang balak na labanan ang mga lalaking to?

Napailing si Christian. Natatakot ba siya? Badtrip naman oh. Tiningnan ko naman ang babaeng 'yon na nakatingin lang sa 'kin. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit, hindi ko alam pero yon ang nararamdaman ko.

Lumakad siya sa likod ni Christian at boss na parang may binulong, may plano na ba siya? Lumakad pa siya hanggang makarating siya malapit sa kinatatayuan ko. Tumingin siya sa dalawang katabi ko at tsaka ngumisi. Bigla nalang niya'ng sinuntok sa ilong ang nasa kaliwa ko kaya napabitaw ito sa akin. Lalo namang itinutok ng nasa kanan ko ang patalim sa leeg ko kaya medyo na papikit ako.

Nang maramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa kin ay tsaka lang ako dumilat. Hawak hawak na ngayon ni boss sa ulo ang lalaking yon at pinagsisipa sa tiyan. Habang si Christian naman ay nakikipag laban din ngunit hindi niya inaasahan ang paglalabas ng patalim ng nasa harapan niya, kaya napaatras siya. Sa pag atras niya ay nahawakan tuloy siya ng lalaking nasa likod niya. Kelan ba to matatapos?

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon