KLNK 2

5.4K 40 1
                                    

CLAIRE

Hinalikan ako ni Mayor sa noo bago sha umalis.. Hayh.. Heto na naman ako.. Maghihintay kung kaylan madidiligan ang bulaklak ko..

May trabaho na nga pala ako ngayong araw kaya agad akong nagbihis at nag ayos.. Naglakad lang ako dahil malapit lang dito yung building kung saan ako nagtatrabaho..

Pumasok ako sa office at lahat ay binabati ako ng.. "Hello ma'am" o kaya "Hi ma'am" nakakatulilig na sa eardrums.. Tsk!!

Alam ko naman maganda at sexy ako kaya hindi ako magtataka kung bakit maraming nanliligaw saken o nagkakagusto.. To the point na nagkandarapa at pumipila pa sila ng pagkahaba haba para lang ako'y masilayan pero sorry sila..

I'm taken.. Wait.. Taken nga bang matatawag ang isang kabit? O siguro mas magandang status yung It's Complicated..

Well.. Nagtataka siguro kayo kung anong pinagkakaabalahan ko maliban sa pagiging kabit ng Mayor?

Isa lang naman akong Assistant Secretary ng isang sikat at Prestigious magazine ng O'Connell Empire.. Pero shempre.. Joke lang.. Isa akong editor in Chief sa magazine of the same empire.. Wish ko nalang na maging Assistant secretary.. Balita ko kase papable daw yung bigboss..

"Claire!! Hi!! Wazzup?" Tanong saken ni Samji na puro bakla yung kasama kaya madalas shang napagkakamalang bakla..

"Ice lang.." I said..

Nagpunta na sa kanya kanyang upuan yung mga kasama nya para magtrabaho..

"Uy loka ka.. May blind Item ngayon si Mayor na nahuli daw na palabas sa isang sikat na condo unit.. Ikaw yung kasama nya kagabe no?" Bulong nya pag upo ko sa desk ko.. Lumingon lingon ako sa paligid.. Wala namang malapit samin kaya ayos lang na magchismisan kame.. Oo tama kayo.. Alam nyang kabit ako ng mayor..

"Shemps sakin sha galing kagabe.. Ako pa ba?" Sabi ko sabay smirk at hinawi ko pa patalikod yung buhok ko..

"Haba ng hair mo.. Loka loka.. Pasalamat ka talaga alam ng asawa nyang baog na may kabit yung asawa nya.. Dahil kung hinde naku!! Chugi kang junakis ka.." Sabi nya with gay language..

She's my classmate since highschool at alam nya lahat ng pinagdadaanan ko.. Hayh..

Inirapan ko sha saka na binuksan yung laptop ko para I check yung mga naproofread ng nasa baba.. Babang floor ha hindi ibaba ng desk ko.. Baka kala nyo yung *toot toot" yung tinutukoy ko..

Proofreaders kase yung nga nasa ibabang floor at nandito kaming mga nakatataas sa itaas na floor like me editor, Yung iba samin Graphic artist and si Samji isa lang naman sha sa mga yon.. Mga Graphic artist na sobrang malikhain ng utak.. Nakakainggit nga pag nagpapublish kame ng manga kase ang galing magdrawing e ako, stickman lang yata yung alam kong gawin e..

Umalis na si Samji dahil alam nyang kapag binuksan ko na yung laptop ko ay ibig sabihin wala nang makakaistorbo saken..

"Claire.. Pinapabigay nung isang employee sa baba.. Tapos na daw to.." Sabi ni Daniel.. Isa sa runner ng kumpanya.. Hindi runner ng droga ha.. Runner, as in yung taga bigay o kuha ng mga kaylangan..

"Thankies bebeh.." I said with a big smile.. Natawa naman sha.. Oh.. Di ko jowa yan ha.. Like I said taken na ko, slash kabit..

Habang abala ako sa patipa sa laptop ko ay may tumawag naman saken..

Basta ko nalang sinagot without looking at the caller ID..

"Wazzup??" Tanong ko sa kung sino mang ponsio pilato to..

"Hey, It's me.. Uh.." Ooh.. The legal wife pala.. Ano kayang kaylangan nito..

"What is it Madam.." I said while smirking..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon