KLNK 26

2K 21 7
                                    

Habang ginagawa ko yung trabaho ko ay pilit kong inaalis sa isip ko yung nangyari kanina sa Office ni Sir..

"Ano ba yan.. Kainis.." Sabi ko sabay pilig ng ulo kaya napalingon sakin si Luci..

"Oy bakla.. Napano ka? Okay ka lang? Namumula ka.." Tanong nya saken na nakataas yung kilay..

"A wala to mainit kase.." Sabi ko nalang para hindi halata..

"Oy Dennis!! I adjust mo nga yung mga aircon.. Naiinitan daw tong si Ate girl oh!!" Sigaw ni Luci..

"Sige teka lang.." Sabi ni Dennis saka tinodo yung mga aircon..

Ang lamig naman oh.. Pakshet kaasar..

Naiihi tuloy ako pero kaylangan ko munang magpigil ng ihi dahil nakakatamad tumayo.. Isa pa, patapos na din naman tong nirereview kong manuscript..

Narinig naming tumunog yung elevator..

"What the fvck!? Bat ang lamig dito?" Nagulat ako nang marinig yung nagsalita..

Napatayo tuloy ako bigla dahil sa gulat..

Si sir pala..

"Sir naiinitan daw po kase si Claire e.." Sabi ni Dennis kaya napalingon sakin si Sir..

Nararamdaman ko nang naiihi na ko kaya naman napahawak ako sa puson ko..

"Oy bakla? Laglag panty mo no?" Mapang asar na bulong ni Luci.

"Is that true?" Biglang tanong naman ni Sir. Pero napatingin ulit ako kay Luci..

"Hindi kaya!" Sabi ko sa kanya pero I sounds so defensive..

"Sinisigawan mo ko?" Biglang tanong naman ni Sir na pinaniningkitan ako ng mata..

"Huh? Uhm.. H-Hindi po--"

"Meet me at the office after the office hours.." Sabi nya..

Paktay!!

"And you Dennis.. Hinaan mo yung aircon kung ayaw mong ibawas ko sa sweldo mo yung pambayad sa kuryente.." Malamig na sabi nya sabay pasok ulit sa elevator..

Patay na talaga!!

Ulysses

Kung hindi ko maibabalik ang ala ala ni Claire.. Edi gagawin ko nalang lahat para mapaibig sha ulit..

Yon ang plano ko.. And damn.. Naeexcite ako na naiihi na ewan..

Umakyat ako sa office ko saka kinuha yung phone ko..

Sa totoo lang sinadya ko talagang magpaturo ng larong to kay Agatha para mapatagal sha sa office ko kada papupuntahin ko sha.. Balak ko kase na lagi ko shang papupuntahin sa office malay ko bang mag eenjoy ako dito.. Nakakaadict pala..

Naghintay ako hanggang sa mag uwian na karamihan ng mga empleyado.

"Sir? Uwi na po ako.. If ylu need something text lang po kayo.." Sabi ni Lucille sa prompter..

"Sige.. Pakidaanan din si Claire sa baba.. Paki sabi kaylangan nya kong i-meet before she leave.." Sabi ko.

"Okay po.. " sabi nya at pinatay na yung connection..

Inikot ko yung upuan ko para makita ko yung city mula sa glass wall ng office ko..

Naglaro muna ko ng ML at shempre nakauwi na si Agatha Galing sa school  kaya Duo kame.. Though may iba pang players na kasama kami..

Narinig kong may tumawag sa telephone hotline sa office ko kaya sinagot ko kaagad..

"O'Connell Empire How may I help you?" Formal na sagot ko..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon