KLNK 22

1.8K 25 1
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan at sobrang dami na naming Fans..

Samantalang nababash naman si Sofia dahil isa daw shang malaking Fake..

Kalat na kalat na sa internet at tabloids ang pagiging peke nya..

At dahil sa init ng issue ay nagpatawag ng press Conference na sponsored ng isang sikat na Magazine para magkalinawan na..

Nauna ako sa Venue ng event kasama ng mga kabanda ko.. Ang dami nang media dito mula sa iba't ibang magazines at TV network at kanya kanyang kuha na sila ng litrato.. pero wala pa man isang minuto nang makaupo kame ay pumasok si Sofia na inaalalayan ni Ulysses..

Nagtangis ang bagang ko sa nakita ko..

"Baka masira na yung phone mo.." Narinig kong bulong ni Ezekiel na nasa tabi ko..

Napatingin ako kay Charles na nasa likod ng mga reporter.. Sinenyasan nya ko na itaas ko lang yung noo ko at harapin ang lahat with confidence..

Tama.. Kakayanin ko to..

Nakita ko sa peripheral view ko na inalalayan ni Ulysses yung maharot na si Sofia na makaupo..

"So Guys shall we start?" Tanong nung host..

"I was born ready.." Sabi ko saka umupo ng tuwid..

Umoo naman yung malandi sa tabi tabi..

Sinenyasan nung host yung mga media na lumapit sa Mic upang magtanong..

Unang lumapit ay yung isang reporter mula sa TV nework..

"Sino ba talaga si Erial-C sa inyo? Who's the real and who's the faker?" Sabi nito habang nasa Mic..

Sinenyasan ng host si Sofia na unang sumagot..

"Tao na yung nagsasabi kung sino si Erial-C diba.. Sila na mismo yung nagluklok saken sa pwesto ko ngayon.." Proud na sabi nya kaya natawa ko.. A bitter laugh perhaps.. Narinig ko rin na nagpigil ng tawa yung mga katabi ko..

At narinig ko na naman si Akira na sinabing "Chikushou.. kanojo wa nise no"  bulong nito na hindi ko na naman naintindihan.. Japanese yata to..

"Anong masasabi mo don miss.. What should we call you ba?" Tanong nung Host..

"Claire.. My name Is Claire.." Sabi ko..

"Well.. Matagal na kong nanahimik.. At nakakasuka nang makita yung lipsync nya kada concert.. Halata naman sa boses kung sino yung totoo at kung sino yung nagpapanggap diba?" Sabi ko..

"Excuse me!? Are you accusing me that I'm a faker!? Ikaw nga tong immitation e.." Sigaw ni Sofia saken at napatayo nya..

Galit na sha pero kalmado pa ko.. Kalmado nga ba? Parang nangangati yata yung kamay ko na manapak ng tao..

"Ikaw yung nagsabi nyan.. Hindi ako.." Pasweet na sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis tamis..

"Ang kapal naman ng Mukha mo!!" Sigaw nya at akmang susugurin na ko pero naawat sha ni Ulysses at pinaupo ulit..

"Dapat nga magpasalamat ka pa saken Sofia.. Nung inangkin mo yung pangalan ko hindi ako nagsalita dahil ako pa yung nahiya sa pang aagaw mo.. Pero tandaan mo.. Plagiarism is a Crime.. Isa pa parang pagpapautang lang yung ginawa ko sayo.. Nahiya lang ako sa umpisa na maningil.. Pero pasensya na.. Oras na para singilin kita..kase gaya nga ng sinabi ko.. Utang lang yon.. At hindi hingi.. Kaya ngayon.. Binabawi ko na kung anong sakin.." Sabi ko ng nakangiti.. Ang sama naman ng tingin nya saken..

"Anong proweba mo na ikaw nga ang totoong Erial-C?" Tanong nung host..

"Bukod sa boses ko.. Mga highschool pictures.." Sabi ko.. May inabot naman si Charles sa mga reporter kung saan laman non ang mga printed photos ko na nakaprivate sa facebook ko..

Halatang nagulat ang lahat pero nagsalita naman si Sofia..

"Haha!! Nagpapatawa ka ba? Nene alam mo.. This isn't enough.. Halata namang edit or Photoshop lang yan no.. Isa pa.. Kung ikaw nga yan? Nasan yung mga kabanda mo? Halata namang hindi yang mga yan yung nasa picture.." Sabi ni Claire sabay turo sa mga katabi ko..

"Sad to say pero I don't know where they are.." Sabi ko ng naka smirk..

Pero totoo.. Di ko talaga alam kung asan sila..

Tumawa ng malakas si Sofia pero may halo yong pang uuyam..

"Umuwi ka na bata.. Kase walang maniniwala sayo na ikaw yung totoong Erial-C.. Baket? Dahil ako ang totoo at ikaw yung Fake!!" Sabi nya sabay turo pa saken..

Nagsalumbaba ako sa mesa saka nagsalita..

"Okay.. Suko na ko.." Nakangiting sabi ko..

Nakarinig ako ng commotions sa mga tao..

Mga bulung bulungan.. Kaya dinagdagan ko yung sinabi ko ng..

"Pero kung ikaw nga si Erial-C? Saan mo nakuha yung pangalang yon?" Sabi ko habang nasa ganon paring posisyon.. Halatang nagulat sha at humanap ng masasabi..

"Sa.. S-Sa.." Pinutol ko yung sasabihin nya..

"Kase kung ako yung tatanungin alam ko yung isasagot sa sarili kong tanong MRS.LOPEZ.. " sabi ko sabay ngiting tagumpay..

Nakita ko ang pagtaas baba ng dibdib nya..

"Erial-C.. Reversed of my Name Claire.." Sabi ko kaya mas lalong nag ingay yung mga nandito at nagkanya kanyang kuha ng litrato..

"At kaya ko ring patunayan na sha nga si Erial-C.."

May mahinang boses na nagmula sa pinto na nakaagaw ng atensyon ng lahat..

Halos mapatili ako nang pumasok si Ash..

Kasunod nila

Rafael at...




AUGUSTUS DELAVIGNE..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon