KLNK 18

2.2K 29 2
                                    

Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw.. Naramdaman ko na may nakapulupot sa bewang ko kaya napatingin ako don..

Si Ulysses pala.. Nakayakap saken..

Huminga ako ng malalim.. Pangalawang araw na to ng burol ni papa..

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap sakin ni Ulysses saka bumangon.. Nilagay ko sa bulsa ko yung sulat sakin ni papa.. Eto nalang yung isang matibay na alaala ko sa kanya.. Kaya hindi ko to hahayaang mawala sakin..

Ang papa ko..

Mamimiss ko sha..

Naramdaman kong nangingilid na naman ang luha sa mga mata ko kaya nagmadali akong pumunta sa banyo para maligo.. Pero shempre itinabi ko yung sulat ni papa sa ligtas na lugar..

Paglabas ko ay saktong kakagising lang ni Ulysses..

Nagbihis ako ng panibagong damit pero itinago ko parin sa bulsa yung sulat..

Catalyst Evangelista.. Saan kaya ako maaring magtanong tungkol sa kanya? Gusto ko man lang makakuha ng kaunting impormasyon tungkol sa totoong mama ko..

Naligo si Ulysses at sabay kaming bumaba.. Sakto namang papasok ng bahay si mama.. Wala na rin si ate..

"Claire iha kumain na kayo sa kusina.." Sabi nito habang nagsasalin ng kape sa styro cups..

Napatingin ako sa kabanong ni papa.. Naramdaman ko na naman na nag iinit ang mga mata ko..

Agad kong kinalma ang sarili ko.. Hindi magugustuhan ni papa pag umiyak ako ng umiyak dahil sa kanya..

Bumaba ako pero inaalalayan ako ni Ulysses..

"Magsandok ka nalang ng makakain jan.. Aasikasuhin ko muna yung mga bisita.." Bulong sakin ni mama kaya tumango ako..

Masaya ako na ayos na kami.. Pero nalulungkot parin ako dahil hindi kami nakikitang ganito ni papa..

Pero sa palagay ko.. Nakasubaybay sha sa amin.

Nagulat ako nang ilapag ni Ulysses ang isang pinggan na may kanin sa tapat ko..

"Nakatulala ka na naman.. Kumain ka na muna para may lakas ka.. Nagtext sakin sila mama, pupunta daw sila.." Sabi ni Ulysses..

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko saka tumango..

Nakailang subo lang ako..

"Babe magpakatatag ka.. Nandito lang ako.." Sabi nya saka ako hinalikan sa noo..

"Salamat.." Mahinang sabi ko..

Lumabas ako at nakita ang mga kapitbahay na nakikipaglamay..

Mashado kasing mabait si papa kaya kahit hindi aha pala labas ng bahay at nakikihalubiro sa mga kapitbahay namin ay nalalapit sha sa mga ito ng di nya nalalaman.. Minsan kase nakakatulong na pala sha sa iba ng hindi pa nya alam sa sarili nya..

Nakita kong may isang itim na van ang huminto sa tapat ng bahay at nakita ko rin na bumaba mula don ang mga magulang ni Ulysses.. Pati si Agatha at Hedone ay nandon din..

Kasunod non ay may humintong Tricycle at bumaba sila Samji at yung tatlong bakla..

Kumaripas ng takbo ang mga ito papasok sa bahay at naunahan pang makapasok ang pamilya ni Ulysses..

"O may gad girl.. Kamusta ka na? Jusko.. Yung news.. Naloka ako.. Tapos malalaman ko na wala na si Tito.. " sabi nito na halatang nag aalala.. Tipid lang akong ngumiti.

Nakalapit na rin sakin yung mga magulang ni Ulysses at nakiramay..

Pinaghanda ko sila ng makakain..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon