Isang katok sa pinto ang gumising sa kanila kaya mabilisan silang nagbihis at binuksan ang ilaw..
Agad na binuksan ni Claire ang pinto kaya nakita nya si Nevaeh na nakangiti sa kanya.. Pero ikinasalubong lang ito ng kanyang kilay..
"What d'you want?" Malamig na tanong ni Claire sa kapatid..
"Oh hi Sister dear.." Sabi ni Nevaeh na para bang may sinisilip sa loob..
Niliitan ni Claire ang pagkakasara sa pinto at nagsilbi shang harang doon.. Pinagtaasan nya ng kilay ang nakatatandang kapatid..
"Anong kaylangan mo?" Mariing tanong ni Claire..
"Ah eh.. Hehe.. Pinapatawag na kayo sa baba.. Kakain na daw ng hapunan.." Sabi ni Nevaeh..
"Yun lang ba? Kung yun lang yung sasabihin mo pwede ka nang umalis.." Sabi ni Claire sabay sarado ng pinto.. Sinadya nyang lakasan ang pagkakasara para mabingi ang kapatid nya..
"Ano daw?" Tanong ni Von kay Claire..
"Kakain na daw.." Sabi ni Claire saka dumiretso sa banyo.. Pero bago pa nya iyon maisara ay hinarangan na ni Von yung sliding door ng banyo ni Claire..
"What!?" Iritang tanong ni Claire kay Von..
"Hindi mo man lang ba ko yayayaing maligo?" Taas kilay na sabi ni Ulysses inirapan ito ni Claire at hinayaang makapasok..
---
Pagbaba nila ay sinalubong si Claire ng Mga pinsang sila Maffy, Stephanie at Irish..
"Girl kamusta?? Buti bumalik ka na.. Are you stay here na ba?" Tanong ni Irish..
Sasagot na sana si Claire nang hawakan sha sa kamay ni Stephanie..
"Ikakasal ka na daw sabi ni Tito? Is that true?" Tanong nito..
Tinulak naman ni Maffy si Stephanie saka mas excited na nagtanong..
"Kaylan yung kasal ate?? Nakakaexcite!!" Tili ni Maffy..
"Ah eh.." Hindi na nya alam ang isasagot..
Hinila sha ni Von at itinago sa likod nito..
"Stop harassing her.. Please.." Mahinahong sabi nito saka tiningnan si Claire..
"Next year.. The wedding will be next year.." Sabi ni Von na titig na titig sa mata ni Claire.. Samantalang bahagya naman napapailing yung dalaga.. Hudyat na manahimik na sha pero imbes na tumigil ay hinalikan pa sha ni Von sa harap ng lahat..
--
May naganap na pool party sa likod ng mansyon.. Naroon sila Maffy, Stephanie, Irish Claire at Von. Naroon rin si Loki at Nevaeh na nasa kabilang side.. Walang pumapansin sa kanila dahil ang tatlong pinsan nila ay ang mga kababata ni Claire na ayaw kay Nevaeh..
"Guys!! Let's drink!!" Sigaw ni Stephanie sabay angat ng mga alak..
Naglapitan lahat sa kanya including Loki.. Naiwan si Nevaeh at Von na magkaharap sa magkabilang parte ng Pool..
At dahil wala si Loki.. Malayang natititigan ni Nevaeh ang Bawat parte ng Katawan ni Von na busy sa pagpindot sa phone nito..
Napangiti si Nevaeh nang may maisip na kalokohan..
Tumayo sha saka tumingin muna kila Claire na nakatalikod sa direksyon nila ay busy sa pag iinuman at pakikipagtawanan..
Naglakad sha palapit kay Von..
"Hey.." Sabi ni Nevaeh sabay upo sa tabi ng binata..
Tinignan sha nito at binaba ang phone..
"Hey.." Bati rin pabalik ni Von..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
عاطفية"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...