KLNK 50

2K 24 0
                                    

CLAIRE

Naisipan naming ipasyal yung kambal dito sa park para naman maarawan sila.. Tig isang stroller kami ni Ulysses.. Nasakin si Baby Raico at nasa kanya naman si Reico na busy sa paglalaro..

"Babe? Gusto mo ng makakaen? " tanong ni Ulysses..

"O sige.. Gusto ko yung maanghang ha.." Sabi ko kaya tumango naman sha.. May mga nagtitinda kase ng street foods dito sa park at mga pwedeng pangmiryenda.

Nakita kong pumunta sha sa foodstand kung saan may tinitindang noodles, parang korean foods yung tinitinda..

Narinig kong umiyak si Raico kaya agad kong hinanap yung bag ko.. Pero wala yon..

Binuhat ko si Raico saka tinawag si Ulysses..

"Babe!! Yung milk.." Sabi ko sinenyasan nya yung nagtitinda na sandali lang..

Tuloy parin sa pag iyak si Raico.. Nakita kong palapit na si Ulysses kaya nakampante na ko.. Pero hindi ko inaasahan yung susunod na nangyare..

May Van na huminto sa tapat namen at may nagbabaang tao don na ikinagulat ko..

"Holdap to!! Walang kikilos ng masama!!" Sigaw nung lalake na tinututukan ako ng baril..

"W-Wait.. Wala akong pera!!" Sabi ko at napatingin kay Ulysses na tinututukan na rin ng baril.. Nagkagulo yung mga tao dito sa park..

Nagulat ako nang damputin nila si Reico kaya sinubukan kong pigilan sila pero naramdaman kong may nagtakip ng tela sa ilong ko at may kumuha kay Raico na hawak ko..

Hanggang sa nagdilim ang lahat..

---

Nagising ako nang may nagbasya ng tubig saken..

Napasinghap ako at akmang tatayo nang marealize ko na nakatali pala ako..

Unti unting luminaw yung paningin ko..

Narinig ko yung iyak ng mga anak ko kaya nataranta ako..

Nakakita ako ng isang pares ng sapatos sa harap ko kaya tiningala ko kung sino yon pero isang sampal yung natanggap ko..

Pasalamat sha nakatali patalikod sa upuan na to yung kamay ko.. Dahil kung hinde lagot sha saken..

"Ano Claire? Masakit ba? Anong pakiramdam na mawalan ng anak?" Tanong nito..

Sinamaan ko sha ng tingin kaya napagtanto kong ang lapit lapit lang nya saken..

Huminga ako ng malalim saka sha dinuraan sa mukha..

"Siraulo ka.. Anong kaylangan mo saken!?" Nagngangalit na sigaw ko sa kanya na pinapahiran yung mukha nya..

"Kaylangan? Ang kaylangan ko lang ay mawala ying kaligayahan mo gaya ng ginawa mo saken.. Mang aagaw ka!!" Sigaw nya..

"Wala akong inagaw sayo!!" Sigaw ko..

"Wala!? Wala nga ba!?" Sigaw nito at hinampas ako nung hawak nyang tabo na tumama sa pisngi ko.. Marahil ay yun yung pinangsalok nya ng tubig na ibinuhos sakin kanina..

"N-Nasan yung mga anak ko.." Gigil na sambit ko.

Naririnig ko yung iyak nila.. Kaya alam kong malapit lang sila..

Narinig ko ang pagtawa nya na parang baliw..

"Hinahanda namin sila para sa isang laro.." Sabi nito saken sabay bitaw ng tabo na hawak nya..

"Laro?" Naguguluhang tanong ko..

"Alam mo kase Claire.. May laro ako para sayo.. Bibigyan kita ng limang.. Sa oras na hindi ka makawala, say goodbye to your twins.. Pero shempre.. Hihintayin muna natin yung pinakamamahal mong asawa.. Para mas tragic yung ending nito.. " Sabi nito sabay halakhak..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon