Sobrang bilis lang palang lumipas ng isang buwan.. At eto na nga ngayon si Ulysses.. Tinutulungan kong mag empake..
Mamayang madaling araw na kase yung flight nya..
Naramdaman ko yung pagyakap nya saken mula sa likod saka yung pag amoy nya sa buhok ko..
"Mamimiss kita.. Don't worry, mabilis lang yung isang taon.. Okay? Pagbalik ko, aayusin natin yung kasal naten.. Padadalhan din kita ng plain ticket para mabisita mo ko don.. Wag ka nang malungkot.. Pababantayan kita kay Samji.." Sabi pa nya saka nilagay sa balikat ko yung buhok ko saka ako hinalikan sa batok..
"Wag kang hahanap ng iba don ha.." Sabi ko kaya narinig ko yung mahinang tawa nya..
"Bakit pa ko hahanap ng iba kung nasa puso na kita.." Sabi nya saka ulit masuyong hinalikan yung gilid ng leeg ko..
Hinawakan nya ko sa beywang saka hinaplos ang kurba ng katawan ko..
"U-Ulysses.." Sambit ko nang makaramdam ng kakaibang sensasyon dahil sa ginawa nya..
"Shhh.." Bulong nya..
Binaba nya yung isang strap ng nightgown na suot ko saka ako hinalikan sa balikat..
Ganon din ang ginawa nya sa kabila
Nahulog sa sahig yung suot kong night gown..
Hinarap nya ko sa kanya..
Then he gave me a deep and passionate kiss..
"I Love you Claire.." Sabi nya habang humahangos kaming pareho matapos gawin ang iisang bagay..
"I Love you too Von.." Sabi ko saka sha niyakap..
Mamimiss ko sha..
Sana bumilis yung oras..
---
Nagising ako dahil sa isang masuyong halik..
"V-Von?" Sabi ko kasabay ng pagdilat ng mata ko..
"Sasama ka ba sa paghatid saken babe?" Tanong nya..
"O-Oo.. Teka lang.." Sabi ko saka bumangon..
Dali dali akong naligo at nagbihis para makasama sa paghatid sa kanya..
Habang nagbibyahe kame papunta sa airport ay hawak ko yung kamay nya..
"Babalik din naman ako babe.. Kaya wag kang mashadong mag alala saken ha.. Araw araw tayong maguusap sa skype.." Sabi nya sabay halik saken..
Ngumiti ako ng alanganin sa kanya..
Sa totoo lang.. Ayoko shang umalis.. Isang taon yon, at ang daming pwedeng magbago sa panahong yon..
"Kakayanin natin to.." Sabi ko sabay ngiti..
He chuckle and then he kissed me..
"Kakayanin naten.." Sabi nya saka ngumiti..
"By the way.. Wala ako sa birthday mo.. Kaya eto yung advance gift ko sayo.." Sabi nya sabay abot sakin nung box na medyo sakto lang sa laki ng palad ko..
"Buksan mo yan pag nandon ka na sa unit mo.." Sabi nito saka ako hinalikan sa noo..
---
Pagdating namin sa airport ay parang gusto kong maiyak..
"Alagaan mo yung sarili mo Claire.. I can't afford to loose you again.." Sabi nya sabay punas sa mata ko..
"Ipangako mong babalik ka.." Naiiyak na talaga ko.. Ikaw kayang nasa posisyon ko..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romantik"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...