KLNK 38

1.7K 24 0
                                    

CLAIRE

Gabi na nang matapos kaming gumala ni Ulysses..

May isang event pa nga pala kame bago umalis..

"Uy Babe!! Canon, nuod kayo ng Concert kung saan ako Guest ha.. Masaya don promise.. Gusto kong makita nyo kong magperform.." Masayang sabi ko..

"Kaylan ba?" Tanong ni Canon..

Kaagad kong sinabi yung Date.. That was two days from now..

"Sige ba.." Excited na sabi ni Canon.

Tinignan ko naman si Ulysses pero..

"Tignan ko kung wala akong pupuntahan.." Nakangiting sabi ni Ulysses na ikinalungkot ko naman..

"Sige.." Sabi ko nalang saka tipid na ngumiti..

"Babe, are you mad?" Biglang tanong ni Ulysses..

"Hindi naman.. Naiintindihan naman kita e.." Sabi ko nalang para wala nang gulo..

Hinawakan nya yung kamay ko at huminto kami sa paglalakad papuntang parking lot..

"Susubukan kong pumunta.. Okay? Kung pwede ko lang sanang Icancel yung mga trabaho ko baka ginawa ko na, matagal na.." Sabi nya..

I just gave him a smile..

Naiintindihan ko naman sha e.. Shempre para yon sa company nila and sa iba pang negosyo.. Ayokong malugi o magkandaloko loko yung negosyo nila dahil lang sa sarili kong kagustuhan..

Pagdating namin sa sasakyan ay nakisabay samin si Canon pero dun sha sa likod umupo at ako sa tabi ni Ulysses..

Busy si Canon sa pagrereview ng videos nya ng mga ginawa naming activities samantalang ako.. Naglalaro nalang ako dahil nagmamaneho si Ulysses..

"Babe.. Promise.. I'll try to come.. Please don't be mad.." Malumanay na sabi ni Ulysses habang nakatingin sa daan pero hinawakan naman yung kamay ko gamit yung free hand nya..

"I'm not mad babe.. It's just that, pag di mo binitiwan yung kamay ko matatalo ni Ruby si Layla sa Mobile Legends.." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng nilalaro ko.. Ahuhu!! Wala na.. Deads na..

Natawa sha saka binitiwan yung kamay ko kaya napangiti nalang din ako..

Nang matapos akong maglaro ay hinalikan ko sha sa pisngi na ikinagulat nya..

"What was that for?" Tanong nya..

"For being my lucky Charm.. Panalo yung team ko!!" Masayang sabi ko sabay pakita sa kanya ng screen..

Nakita kong ibinalik nya yung tingin sa daan pero nakangiti naman..

"Ang babaw ng kaligayahan.." Dinig kong bulong nya..

Umayos na ko ng upo..

"Basta pinangako mo na sakin na susubukan mong makapunta ha.." Sabi ko kaya hinawakan na naman nya yung kamay ko..

"Promise.." Nakangiting sabi nya..

Nagpababa si Canon sa katabing Building ng hotel namin dahil dun daw sha nakacheck in..

Pagpasok namin sa building kung saan kami pareho nakacheck in ni Ulysses ay binabati sha ng mga staff.. Kilalang kilala sha ng mga yon..

"Good Evening sir.." Sabi ng mga to sabay yuko pero hindi naman sila pinapansin ni Ulysses.. Instead, hinawakan nya yung kamay ko saka nagmamadaling pumunta sa front desh..

"Where's your manager?" Tanong nito sa babaeng nandon..

Nag isip muna ito saglit bago sumagot..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon