KLNK 33

1.6K 20 3
                                    

CLAIRE

Pauwi na sana ko galing sa office nang may mareceive akong tawag..

Si Ulysses pala.. Oh gosh namiss ko na sha dahil minsan nalang sha tumawag..

"Hello?" Sabi ko..

"Ah!! Dahan dahan lang nasasaktan ako--" narinig kong ungol ng isang babae sa kabilang linya..

Biglang tumulo yung luha ko sa narinig ko..

"Sandali lang patapos na to wag kang magulo.." Dinig kong sabi ni Ulysses..

"Masakit kase.. Ah!!" Matapos kong marinig ton ay pinatay ko na yung tawag..

Nagmadali akong umuwi sa unit ko at napahagulhol ng iyak..

Niloloko nya ko..

Is that the reason kung bakit busy na sha..

Naramdaman ko na namang nagvibrate yung phone ko..

Isang message request yung nandon mula kay Ms.XX na puro itim lang yung profile picture..

May sinend shang picture na lalo lang nagbigay patunay na niloloko nga ako ni Ulysses..

May kahalikan shang isang babae sa isang bar.. Neron ding nandon sila sa lobby ng isang hotel at hinahalikan sha nito sa pisngi.. Meron din na nakasukbit yung braso ng babae sa kay Ulysses sa Lobby din nung Hotel..

Sa sobrang galit ko ay binato ko yung phone ko na nagkalasog lasog..

"Baket!? Bat mo nagawa sakin to!?" Hagulhol kong sigaw..

Hayop ka.. Minahal kita ng sobra tapos gagaguhin mo ko!?

Anong nagawa kong mali sayo.. Wala ka pang isang buwan jan pero niloloko mo na ko.. How could you..

ULYSSES

Umalis ako sa bar pero narinig ko yung pagtawag saken ng hayop na babaeng yon..

"Ulysses wait!!" Sabi nya saka ako hinabol pero natapilok sha at nahihirapang tumayo..

May puso pa naman ako kaya tinayo ko sha saka kinaladkad papunta sa elevator..

Sumakay kami don para makaakyat sa mga floor kung saan yung mga kwartong para sa mga guests..

"Bakit ginawa mo yon!?" Sigaw ko sabay hampas nung parte ng elevator sa gilid ng sinasandalan nya..

"It was just a game you know--"

"Nasisiraan ka na!!" Sigaw ko sa kanya..

Saktong huminto yung elevator kaya lumabas na ko.. Hinila ko yung phone ko sa bulsa para sana kamustahin si Claire..

Pero narinig ko shang napadaing..

"Ah!!" Sigaw nya.. Paglingon ko ay nakahawak sha sa ankle nya..

Anak ng..

Lumapit ako sa kanya at napansin kong medyo namamaga yon..

Lumuhod ako sa harap nya saka ko bahagyang pinisil yung part na medyo namamaga kaya napadaing na naman sha..

"Hold this.." Sabi ko sabay abot sa kanya ng phone ko..

May strap yung heels nya kaya kaylangan kong alisin yon..

Pero habang inaalis ko ay todo yung daing nya at iniiwas nya yung paa nya..

"Ah!! Dahan dahan lang nasasaktan ako--" narinig kong ungol nya saka nya iniwas yung paa nya napairap ako saka ko hinablot yung binti nya..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon