ULYSSES
Isang linggo na kong nandito sa Europe, and I really missed her so much..
Lagi ko lang shang kachat o kavideo call, at para saken hindi yon sapat.. Alam kong umiiyak si Claire gabi-gabi dahil kahit hindi nya sabihin saken nakikita ko yon sa mga mata nya kada tumatawag ako sa kanya..
Pumasok ako sa conference room kung saan may 30 seats, sa ngayon ay product bidding and bargaining yung gagawin namen at kaylangan kong makakuha ng magandang product para sa company..
Each week ay may nagpepresent ng new products at laging walang sure na araw kung kaylan magpepresent yung kasunod kaya hindi ako pwedeng umuwi nalang basta..
Nakakagulat dahil pati mga taga underground society ay nandito.. Lahat ng business involved na tao ay may representative..
Wala pang ilang minuto akong nakakaupo ay napansin kong may tumabi na saken..
Paglingon ko, si Augustus lang pala.. Ang lalaking mentally unstable na pag ayaw sa nagpepresent ay binabara nya..
-_-
Weirdong feeling close pa ha..
"I just want to present to you the blah blah blah.." Ang daming pinagsasabi ng lalaking to pero wala akong mashadong interest sa mga limited edition cars kaya di nalang ako nakinig mashado.. Pero ayoko namang makabastos kaya hindi ako tumayo o umalis..
Binuksan ko nalang yung phone ko at pasimpleng nagchat kay Claire na alam kong tulog pa dahil madaling araw pa lang don..
"What do you think mister O'Connell.. As one of the richest heiress parang hindi ka naman yata nakikinig sa discussion ko.." Napaangat yung tingin ko sa isang sopistikadang babaeng halos kaedaran ko lang..
"I'm sorry miss Lindsay Smith but you cannot force me to invest on your Clothing line.." Diretsong sabi ko..
Mula nang dumating ako lagi nalang shang dumidikit saken at inaalok akong mag invest sa sikat nyang clothing line na kalat ang Branch sa buong mundo..
Pansin ko rin na parang mashado shang attention seeker pagdating sa mga lalake lalo na samin ni Augustus..
"Mashado ka namang prangka mr. O'Connell.." She said while chuckling..
Gusto kong mapairap sa sinabi nya..
"Kahit naman siguro ako.. I won't waste my money on those clothes na kada month napapalitan.. Waste of time.. Waste of money, hindi environmental friendly.." Sabi ni Augustus.. Good job boy.. Sa mga oras na kasama kita ngayon ka lang may nasabing tama..
Kita ko ang pagkainis ni Lindsay dahil sa sinabu namen..
---
Tanghali nang natapos ang meeting na hindi ako nakakatanggap ng reply mula kay Claire..Sa iisang hotel lang tumutuloy lahat ng guests kaya naman nagkasalubong kame sa Lobby ni Lindsay..
"Hey!!" Sigaw nito sabay lapit saken ng nakangiti..
"What?" Malamig na sabi ko..
"Tara lunch tayo?" Sabi nya..
"May kaylangan pa kong gawin.. Jan ka na.." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
Kaylangan kong ihanda yung branch ng company namin dito sa Europe para sa biglaang accreditation ng mga dumalo sa event na to..
"Bakit ba ang rude mo saken?" Sabi nito at nagulat ako nang ipulupot nya sa braso ko yung braso nya..
"Pwede ba Lindsay tigilan mo nga ko.." Sabi ko sabay alis ng braso nya sa pagkakakawit saken..
"Mas maganda naman ako kay Erial-C.." Sabi nya kaya napalingon ako sa kanya..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romance"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...