KLNK 46

1.6K 22 5
                                    

ULYSSES

Wala akong ibang alam lapitan kundi sila Augustus at Canon..

Pero dahil nagbabantay sa ngayon si Canon kay Claire ay si Augustus lang yung kasama ko.. -_- isang baliw na Business tycoon pero ngayon parang seryosong seryoso sha..

"Anong gagawin ko.. Pinapapili ako ng doktor.. Between my Child and my Wife.." Sabi ko na tulala na..

"Sinong pipiliin mo?" Tanong nya..

"Kung ako lang, shempre gusto kong mabuhay sila pareho.. Pero wala akong magawa.. Nangako pa naman din ako kay Claire na gagawin ko lahat kahit ilegal na bagay para lang mabuhay sila pareho.."

Nagkatinginan kami ni Augustus..

I saw his smile..

His creepy smile..

---

CLAIRE

Kinakausap ako ni Samji na kakarating lang pero wala akong naririnig..

"Ano ba!? Ayaw kang kausap o.. Mukha ka kaseng bakla.." Irap na sabi ni Canon kay Samji..

"Tanaydamong bugok!!" Sabi ni Samji.. Nagkakapampangan na naman sha.. Tubong pampanga kase yan kaya natatawa ako pag nagkakapampangan sha.  Pero ngayon, hindi ako makatawa..

"Ano? Magtagalog ka di kita maintindihan.." Sabi ni Canon..

"Makasabi ka ng bakla saken!! Hoy!! Akala mo nakalimutan ko na nung hinipuan mo ko noon--"

"Hoy ka rin!! Hindi kita hinipuan!! Pinatay ko yung lamok jan sa pwet mo.. Malay ko bang pwet yan? Mukha kaseng pader!!" Sabi naman ni Canon..

"How dare you!?" Sigaw naman ni Samji saka nya sinakal sakal si Canon.. Tipid akong napangiti sa kanila..

Biglang pumasok sila Augustus at Ulysses.. Nag iwas ako ng tingin nang magtagpo ang tingin namin ng asawa ko.. Natatakot ako na balang araw, sumbatan nya ko.. Ayokong mawala yung anak namen, kaya mas pipiliin ko nalang na ako yung mawala kesa sa anak ko..

Nakita kong nagningning yung mata ni Samji nang makita si Augustus..

"Hi sir Augustus.. Tara date tayo? Libre ko.." Sabi ni Samji, ganyan si Sam e.. Pag crush nya hindi sha nahihiyang magpahayag ng nararamdaman..

"S-Sorry ha.. Taken na ko e.. Saka, di ako pumapatol sa lalake.." Nahihiyang sabi ni Augustus..

Maluha luha si samji na unti unting napahiwalay sa pagkakakapit nya sa braso nito..

"M-Mukha ba talaga kong bakla? A-Am I not enough? P-Pangit ba ko--"

"Oo? Di ba obvious?" Sabi ni Canon kaya nabatukan at nasakal na naman sha ni Samji.. Pero di naman gumaganti..

"Kamusta na yung pakiramdam mo?" Tanong ni Ulysses nang umupo sa tabi ko..

Tumingin ako sa kanya..

"A-Ayos lang-- ah!!" Napadaing ako ng sakit nang masagi ni Canon yung dextrose ko..

"P*tang ina mo Canon!! Dun nga kayo sa labas maglandian!! Ilalaglag talaga kita sa bintana!" Sigaw ni Ulysses kaya natahimik yung dalawa pero pasimpleng nagsisikuhan at nagsasamaan ng tingin..

"Claire.. I'm sorry.." Sabi nya sabay halik sa noo ko..

"Huh?" Tanong ko pero saktong pumasok yung nga nurse..

"Hi ma'am, check up lang po.. " sabi nito pero nakita kong may itinurok sa dextrose ko..

Nakaramdam ako ng hilo saka napalingon kay Ulysses na nakangiti lang saken sabamg hinahaplos yung buhok ko.. Hanggang sa tuluyan na kong nakatulog..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon