KLNK 24

2K 28 3
                                    

ULYSSES

Isang taon na ang nakalipas..

Ang daming nangyare..

Ang daming nagbago..

Lalong lumago ang kumpanya ko..

Isang taon na ang nakalipas..

Isang insidenteng bumago sa lahat..

Isang milagro rin ang naganap..

Pero parang lalo rin akong nawawalan ng pag asa..

Tumayo ako matapos manalangin sa tapat ng isang puntod at dumiretso sa kotse ko..

Isang taon na rin pala..

"Aalis na ba tayo?" Tanong ng babaeng nasa tabi ko..

Tumango ako..

Ibinaba ko sha sa tapat ng isang paaralan na minsan ko na ring pinasukan..

Humalik sha sa pisngi ko bago bumaba..

Agad kong pinaandar yung kotse at dumiretso sa mansyon..

Dito ko na dinadala yung trabaho ko mang mangyari yon..

Ilang minuto pa lang akong nakakaupo sa upuan ko at nagbabasa ng documents na kaylangan sa kumpanya ay tumayo ako agad kahit hindi ko pa yon tapos..

Hindi ko matiis na hindi sha puntahan..

Lumipat ako sa kabilang kwarto at umupo sa isang kama kung saan sha nakahiga..

Ang daming aparato ang nakasaksak sa kanya at nasasaktan na kong makita shang ganito..

Marahan kong hinaplos ang maamo nyang mukha saka inayos yung buhok nya .

"Isang taon na pala Claire.." Sabi ko saka sha hinalikan..

Isang taon na nang akalin nang lahat na wala na sha..

Matapos ideklara ang oras ng kamatayan nya sa kadahilanang nanghina ang katawan nya at hindi kinaya ang operasyon dahil sa ganon ito kakomplikado ay gumuho ang mundo ko..

Pero nang ilalabas na sha sa operating room para dalhin sa morgue ay nakarinig kami ng isang hirap na pagsinghap mula sa kanya.. Kaya dali dali shang nilagyan muli ng life support..

Naghintay kami na magising sha..

Hanggang umabot yon ng Isang linggo.. Hanggang sa isang buwan.. Hanggang sa naging isang taon na ang nakalipas..

Nagdesisyon akong ipalipat noon ang gamit ko sa opisina dito sa bahay para dito nalang kami..

Madalas ko ring dalawin ang ama nya para makiusap dito na gisingin na nya si Claire..

Dahil namimiss ko na yung babaeng mahal ko..

Isang malusog na batang babae naman ang iniluwal ni Sofia.. At gaya ng pangako ko kay Art.. Tinulungan kong makabangon ang kumpanya nya.. At mas napabilis ang pagbangon non dahil kay Augustus Delavigne na binili ang 50% shares ng kumpanya nito..

30% naman ang pagmamay ari ko.. Kaya umangat rin sila sa merkado..

"Claire.. Gising ka na.. Please? May dapat pa kong sabihin sayo.." Sabi ko sabay kuha sa kamay nya at hinalikan ang likod ng palad nito..

"Claire please wake up.." Sabi ko at hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko..

Isang oras ko pa shang kinuwentuhan ng mga bagay bagay na nangyayari sa paligid.. Pero wala parin shang pagbabago.. Nakasara parin ang mata nya..

May pumasok na nurse at may dalang isang damit..

"Sir labas po muna tayo.. Bibihisan ko lang po yung patient.." Sabi nya na agad ko namang ginawa..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon