KLNK 17

2.2K 25 2
                                        

ULYSSES

naiwan akong mag isa dito sa loob..

Nung umpisa ay puro tunog lang ng aparato ang naririnig ko pero papa rin ni Claire ang unang bumasag sa katahimikan sa paligid..

"Iho.. Alagaan mo yung anak ko ha? Ikaw nang bahala sa kanya.. Pasayahin mo sha.. Wag na wag mo shang sasaktan.. Kung hinde.. Mumultuhin kita.. Protektahan mo ang anak ko iho.." Sabi nito..

Napayuko ako..

"Uh.. Tito.. May sasabihin po sana ako sa inyo.." Sabi ko.

"Ano yon iho?" Sabi nya..

"Tito.. Nagsinungaling po kami ni Claire sa inyo.. Pero wag po kayong magalit.. Hindi ko po talaga sha fiancée.. Kakasagot lang po nya saken kahapon-- i mean kagabe po.." Sabi ko.. Nakita ko ang pagngiti nya..

Alam ko na kung kanino namana ni Claire yung maganda nyang ngiti..

"Alam ko.." Sabi nya kaya napataas yung kilay ko.

"Po?" Sabi ko..

"Hindi ako engot iho.. Kung fiancée mo ang anak ko.. Edi sana pareho kayong may singsing sa kamay.." Sabi nito saka nagpakawala ng mahinang tawa pero naubo ito..

"Mahal mo ba ang anak ko?" Tanong nya.. Mabilis akong tumango..

Ngumiti sha hinawakan ang kamay ko..

"Kung balak mong pakasalan someday ang anak ko.. Ngayon pa lang binibigay ko na ang basbas ko sayo.. Wag mo shang sasaktan o paiiyakin.. Mahalin mo sha ng buo Iho.." Sabi nito at nagsunid sunod ang pag ubo.. Huminga ito ng malalim na parang nilalabanan ang paghihirap..

Kinakabahan na ko..

Nakita kong kumuha sha ng papel at may isinulat doon.. Tunupi nya yon at inipit sa kamay ko..

"Ramdam ko na, na hindi na ko magtatagal.. Pero panatag akong mawawala kung sakali man.. Dahil maiiwan sayo ang anak ko.. May mag aalaga sa kanya at magtatanggol kapag wala na ko--" isang malakas na ubo ang kanyang pinakawalan..

"Ibigay mo yan kay Claire.. Kaylangan nya yan.." Pahabol na sabi nya..

Nakarinig ko ng isang tunog at nakita ko ang isang tuwid na linya.. Parang bumagal lahat..

Ang pagpasok ng doktor..

Ang malakas na pag iyak ng stepmother ni Claire..



Ang pagdala saken ng ibang nurse palabas..

Tanging yung mahabang tunog lang na yon ang naririnig ko..

"Time of death.. 9:10 A.M." nag echo yan sa utak ko habang nakatulala ako sa mga taong nasa loob na nagtatanggal ng life support ni Tito..

Nakita ko si Claire na tumatakbo papunta sa direksyon ko..

Papasok sana sha sa loob pero niyakap ko sha sa beywang at pinigilan..

Parang ang bagal ng lahat ng nangyayare..

Parang isang pelikulang naka slow-motion..

---

"Claire kumain ka muna.." Sabi ng stepmother ni Claire habang inaabutan sha nito ng makakain pero tulala parin si Claire sa isang sulok at hindi makausap..

Hindi ko alam kung pakitang tao lang ba ang ginagawa nito kay Claire o ano pero kanina ko pa napansin na bumait ito kay Claire..

May mga body guards na pinadala dito sila mama't papa para harangin kung may pupuntang media pero sinabi namin na magsibilyan sila para hindi matakot ang mga tao..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon