ULYSSES
Nagulat ako sa ginawa ni Augustus..
"Malamig na dito sa labas.. Iuwi mo na yung asawa mo.. I have to go, yan lang yung maitutulong ko sayo.." Sabi nito saka na umalis..
Agad kong binuhat si Claire papunta sa unit ko kung nasan din yung mga anak namin..
Kaylangan kong ipaliwanag sa kanya lahat..
"Claire.. I'm sorry.." Sabi ko.. Saka sha hinalikan sa noo bago sha ihiga sa kama..
"Nahanap mo na pala sha.. Tingin ko tapos na yung trabaho namin ni Rafael dito.." Sabi ni Akira na nakasandal pa sa pinto.. Suot na naman nya yung hoodie jacket nya.. Natapunan lang kase ton ng kape nung nakaraan kaya di nya yon suot..
"Salamat.." Sabi ko naman.
"Anong salamat? May bayad yung serbisyo namen.." Sabi nito sabay talikod.. Natawa nalang ako sa sinabi nya.. Kahit kaylan talaga kakaiba sila..
Natigilan ako nang marinig kong umiyak yung kambal sa kabilang kwarto kaya agad ko silang pinuntahan..
"Ow.. Shh.. Natutulog si Mommy sa kabilan kwarto kaya wag muna kayong maingay ha.. Do you want some milk? Huh?" Tanong ko kay Raico na umiiyak samantalang si Reico ay agad tumahan nang pumasok ako..
"Uwaaaaaaah!!!" Iyak parin nito kaya kinapa ko yung pampers nya.. Puno na pala..
Agad akong pumunta sa cabinet para kuhanan sha ng pampers..
Nilinisan ko muna sha saka pinalitan ng pampers..
"Ano baby?" Sabi ko sha nilaro laro ito.. Humalakhak naman ito kaya nagising din yung kakambal nya.. Pero hindi ito umiyak at mag isa lang na kinuha yung bottled milk nito saka ininom.. Ilang sandali lang ay tulog na ito, pero itong si Raico ay gising parin at busy na pagngatngat sa hinliliit ko..
"Babasahan nalang kita ng books.. Okay?" Sabi ko na tinanguan naman nya..
Humalakhak na naman ito kaya natuwa ako..
Binasa ko sa kanya yung story ni Cinderella.. Natawa ako nang maalala ko yung plah namin noon ni Claire..
Hayh..
Ang dami na pala naming pinagdaanan..
"And they leave happily ever after.." Sabi ko at pagtingin ko kay Raico ay tulog na ito..
Hinalikan ko yung noo ng unika iha ko saka inilapag katabi ng kakambal nya..
"Sleep well sweetheart.. I love you.." Sabi ko sa dalawa saka sila kinumutan..
Binalikan ko si Claire sa kabilang kwarto saka sha tinabihan sa pagtulog.. Bukas na ko nalang ipapaliwanag sa kanya lahat..
---
Maaga akong nagising para i check yung kambal at mapalitan ng pampers pero di man lang sila kumibo at ang himbing parin ng tulog..
Lumabas muna ako para bumili ng pwedeng lutuin.. Nilock ko din yung unit tutal dala ko naman yung susi..
CLAIRE
Nagising ako nang may marinig na iyak ng bata..
Napabalikwas ako ng bangon pero nakaramdam ako ng hilo dahil sa ginawa ko.. Haist!!
Sapo ang ulo ko ay pinuntahan ko yung pinanggagalingan ng iyak.. Only to find out a two cute babies lying on a crib..
Are they twins?
Kakaibang tuwa yung naramdaman ko nang malapitan ang dalawa..
Oh God..
Natulala ako pagkakita sa batang nakabalot sa isang pink na tela..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romance"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...