Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda sa isang guesting sa isang talk show.. Buong banda namin yung kasama at meron din don ibang girlgroup at boybands na kasama..
Hindi mashadong malamig ngayon dahil malapit na rin yung summer season.. Pero hindi rin naman gaanong mainit.. Nagsuot nalang ako ng V-neck na sleeveless na blouse at shorts.. Pinartneran ko nalang yon ng sandals na may one and a half heels.. Kumuha ako ng blazer saka isinuot saka na ko bumaba..
Pagbaba ko sa lobby ay nakita ko na yung mga kabanda ko..
"Oh!! Ayan na pala yung Rebel princess e.." Pang aasar ni Ezekiel kaya tinaasan ko sha ng kilay..
"Tara na kain na tayo.." Sabi naman ni Ricoe..
Natawa naman si Charles at walang imik si Akira na nakasuot na naman ng Hoodie na kita lang yung kalahati ng mukha.. Yun bang sa sobrang laki ng hood nya ay yung part ng ilong lang saka labi lang nya yung nakikita..
Idagdag pang nakayuko sha lagi..
Si Rafael nga lang yata yung may lakas ng loob na kumausap jan e.. E kada sasagot samin yan laging one lined lang.. Oo,Hinde, pwede, at ewan lang yung sagot nya samen..
Pero alam naming babae sha..
Pagdating namin sa buffet restaurant ay may nakita akong isang pamilyar na mukha..
"Sh*t.." Sabi ko..
Nakita ko lang naman sila Ulysses at Lindsay na kumukuha ng pagkain sa mga naka-cater na pagkain don.. Self service kase dito..
"Oo nga pala.. Dito tayo nakakuha ng hotel accommodation kung nasan din sila.." Sabi ni Charles..
"Pake ko.." Sabi ko saka ko saka inayos yung suot ko..
Kumuha ako ng plato sa counter at pumunta sa mga pagkaen.. Kunyari ay di ko sila nakita..
Dinig na dinig ko yung pagtawa ng malanding si Lindsay..
"Excuse me!! Padaan.." Nagulat ako nang may biglang sumingit sa pila..
Pagtingin ko don ay nagulat ako sa nakita ko..
"August.. Hi!!" Sabi ko kaya napatingin sha saken..
"Oh!! Bat nandito ka? Anong ginagawa ng isang Erial-C sa Europe.. Oy balita ko sikat ka na a?" Sabi nya..
"Ah.. Hindi naman.. Well nandito ako for a guesting.." Sabi ko..
Sa peripheral view ko ay nakita ko na nakatingin sa gawi namin sila Ulysses at Lindsay..
Lalapit sana sakin si Ulysses nang nagsalita ulit si Augustus.. Pinigilan din naman sha ni Lindsay e.. Pero so what naman..
"Nga pala nandito din si Ulysses.." Sabu nito at lilingon na sana pero pinigilan ko sha..
"Oh no August, ayokong makakita ng mga taong manloloko.. Isa pa, matagal na kaming break non.." Sabi ko at sinadya ko talagang lakasan..
Parang nagulat sha sa sinabi ko..
"What?? Kaylan pa?" Gulat na tanong nya..
Tipid akong tumawa saka nagkunwaring nag isip..
"Simula pa nung NILOKO nya ko.." Inemphasize ko pa talaga yung word na "niloko". Wala akong pake kung narinig nya..
"Oh well, wag na nating pag usapan yung taong wala namang kwenta at wala naman dito.." Sabi ko sabay kuha ng pagkaen..
Pinili ko talagang lagpasan yung ibang pagkaen hanggang sa makarating ako sa parte kung saan sila nakatayo.. Nakasunod naman sakin si Augustus na todo kwento ng tungkol sa mga nangyare the past few months..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romance"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...