"You may now kiss the bride.."
Yan ang sabi nang pari pagkasuot nya sakin ng singsing..
Dalawang beses kaming ikinasal ni Ulysses..
Sobrang saya ko dahil hindi sha sumuko sa lahat ng mga nangyare..
I'm so lucky to have him as my husband..
Masuyo nya kong hinalikan kasabay ng pagsaboy ni Agatha ng bulaklak samin..
Ang saya saya ko..
"I love you.." Sabi nya saka dinikit yung noo saken..
"Mahal din kita.." Sabi ko..
"Oo na!! Mahal nyo na yung isa't isa.. Pwede bang dismiss na.. Nilalanggam na kami dito oh.." Reklamo ni Augustus kaya natawa kame..
"Bitter palibhasa single!!" Sigaw naman ni Canon kaya lalong natawa lahat.. Jusko..
"S.raulo!! Kasal na ko.. I'm secretly taken you know.." Sabi naman ni Augustus..
"Wala na sinabi mo na, hindi na secret.." Sabat naman ni Agatha.. Haha!! Pasaway..
"Iwan na natin sila.. Tara.." Bulong ni Ulysses saka ako binuhat palabas ng simbahan..
Bumaha ng "congratulations" at "best wishes" nang palabas kami..
Masaya ko, dahil mula sa pagiging isang kabit.. Nagkaroon na ko ng lalaking matatawag kong sariling akin..
Walang kahati..
Akin lang..
SIX YEARS PASSED
"Ulysses!! Bilisan mo!! Di ko na kaya.. Manganganak na ko!!" Sigaw ko..
"Oo!! T-Teka.." Sabi nito na natataranta na dahil pinapatahan nya si Raico na iyak ng iyak..
"Dalian mo!!" Sigaw ko.. Ang tagal naman kase nila Canon at Augustus na hinabilinan namin sa kambal..
"Akin na si Raico!!" Sigaw ni Augustus pagkapasok.. Siraulong to.. Kauuwi lang kase kaya malamang may jetlag pa..
Pagsakay namin sa sasakyan ay halos kalbuhin ko na si Ulysses kakasabunot sa kanya..
"H-Hindi ka na makakaulit saken!! Siraulo ka!!" Sigaw ko..
"Babe naman wag ganyan.." Sabi nya sakto namang nakarating na kami sa ospital at sinalubong kami ng stretcher..
---
ULYSSES
"Congratulations sir, It's a twin.." Sabi nung babae..
"Talaga!?" Gulat na sabi ko..
Di naman kase namin pinaultrasound si Claire para surprise yung gender ng baby.. Malay ko bang bulls eye na naman..
Si Lolo lang naman kase yung may kakambal sa pamilya.. Kaya nakakagulat na nakajackpot ako ng kambal for the second time around..
"Gusto nyo po bang makita? Nasa nursery po.." Sabi nung nurse kaya nagmadali akong tumango..
"Himala nga po na nailabas sila ng normal ni Missis.." Sabi nung babae nang makarating kami don..
Iginaya nya ko sa isang crib na may nakahigang kambal..
Hindi maipagkakailang akin sila.. Pero napansin kong kamukha ni Claire yung lalake.. At girl version ko yung babae..
"Ano pong ipapangalan nyo sa kanila?" Tanong nung nurse..
"Hera Venice kay baby girl.. Hunter Vince naman sa baby boy ko.." Sabi nung nurse.. Nagpaiwan ako at nilaro laro pa yung dalawa..
Ilang sandali lang ay tinawag ako nung nurse at sinabing gising na si Claire.. Nagpaalam ako sa kambal na ang himbing pa ng tulog..
"Babe.. Kamusta?" Sabi ko kay Claire..
"Painless naman e.. Kaya ayos lang.. Kamusta nga pala yung kambal naten? " sabi nya na ang laki ng ngiti.
"Ang swerte naten.. In an instant may apat na anak na tayo.. Nga pala.. Pinangalanan ko na yung dalawa.. Hera Venice and Hunter Vince.." Sabi ko..
Napangiti naman sha..
"Ang ganda ng mga pangalan nila.. Salamat.." Sabi nya..
"Nagustuhan mo?" Tanong ko na ikinatango nya..
---
Dumalaw yung mga kaibigan namen..
"Oh em gee!! Girl kamusta?" Tanong ni Samji kay Claire at halata na rin yung umbok na tyan nito..
"Eto.. Ayos lang.. Lagi nga lang nakakatulog.. Pero ayos na ko.." Sabi ni Claire..
"Nako ayos lang yan.. Ako na yung susunod oh.. Hehe.." Sabi nito..
"Congrats.." Sabi ni Augustus na nasa kaliwa ko at tuwang tuwa sa bagong pamangkin..
"Buti ka pa may kambal na anak oh.. Ang cute.." Sabi naman ni Canon na marahang pinisil yung ilong ni Vince..
Natawa nalang ako sa dalawa.. Hayh..
Ang saya saya ko..
Pano kase, noon.. Parehas lang kaming kabit ni Claire..
Sana pala.. Nung una pa lang, hindi na ko naging bulag kay Sofia.. Para sana mas maaga ko shang nakilala..
Pero ayos na rin yon.. Everything has a reason..
At alam kong kasama sa plano ng Panginoon na magkamali kaming Pareho ni Claire sa maling tao.. Siguro, sinadya nyang magkamali kame para maitama ang lahat sa tamang oras at panahon ang lahat..
Na yung akala naming ayos na.. May mas iaayos pa pala..
In dark times of our lives.. God will send the right person to right everything wrong..
At eto..
Ang simpleng kwento namin ng asawa ko..
Yung iba kaya?
Anong kwento nila?
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romansa"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...