CLAIRE
Nagising ako ng masakit ang ulo.. Mas masakit na to kesa sa mga naunang Migraine ko kaya kinabahan na ko..
"Kainis naman oh!!" Usal ko saka hirap na tumayo.. Nahilo ako bigla kaya napasandal ako sa headboard ng kama saka pumikit, ramdam ko yung pagpintig ng utak ko dahil sa kirot pero unti unti rin yong nawala kaya nakahinga na ko ng maluwag..
Tumingin ako sa tabi ko pero wala na si Ulysses sa tabi ko..
Agad akong pumunta sa CR saka naligo at nag ayos ng sarili ko..
Paglabas ko pa lang ng kwarto ay nakaamoy na ko ng vanilla..
Ang bango!!
Agad akong bumaba at dumiretso sa kusina.. Nakita ko si Ulysses na naglalagay ng Icing sa Cake.. Aw!! Ang sweet!! At ang pogi.. Kase topless sha habang ginagawa yun e..
Sherep.. Este, ang cute..
"Good morning.." Sabi ko habang nakasandal sa frame ng pinto..
"Hi babe.. Tara dito ka kakain na tayo.. Malapit nang maluto yung breakfast.." Sabi nya kaya umupo na ko sa dining table..
"Anong breakfast naten?" Tanong ko..
"Pandesal.." Tipid na sagot nya
Nagawi sha tabi ko dahil nilalagyan na nya ng design yung cake..
"Pandesal? Gaya nito?" Sabi ko saka pinaglandas yung hintuturo ko sa abs nya..
Napansin kong pigil shang napangiti saka ako tiningnan ng nakakaloko..
"Baket? Gusto mong almusalin yung pandesal ko? May kasama pang hotd-- aw!!" Di ko na pinatapos yung sasabihin nya dahil hinampas ko sha..
Sakto namang natapos na nya yung Cake..
"Seryoso, bat ang galing mong magluto?" Tanong ko..
"Well.. May NC2 ako sa Tesda ng Cooking kaya eto.. Magaling akong magluto, I also have a certificate on Automotive and I.T." sabi nya kaya napanganga ako.. Grabe sha ha!!
Tumunog na yung oven kaya nilapitan nya yon saka nagsuot ng Glove na ginagamit pang oven..
Nilapag nya yung tray na may tinapay sa harap ko at halatang masarap yung pandesal na binake nya.. Kumuha sha ng plato at inayos don yung mga pandesal..
"Anong palaman?" Tanong ko..
"May palaman yan tikman mo kase.." Sabi nya kaya kahit mainit init pa ay kumuha ako ng isa..
Pagkagat ko ay naamaze ako sa pagkakaluto dahil toasted yung labas at malambot yung loob.. May cheese pala sa loob.. Astig..
"Masarap?" Tanong nya..
"Oo sobrang sarap.." Masayang sabi ko..
---
Lumipas ang tatlong buwan ng masaya kami ni Ulysses.. Pag nagigising ako ay pinag luluto ko rin sha kahit pano, pero napapansin kong palala ng palala yung sakit ng ulo ko, gaya kagabi.. Parang binibiyak yung ulo ko dahil sa sakit. Buti nalang at maagang natulog si Ulysses kaya di nya ko nakita na nahihirapan..
Ayoko shang mag alala.. Nilipat na nga nya lahat ng trabaho nya ng O'Connell empire para lang saken, kaya ayokong maging pabigat pa..
Pero ngayong umaga, kakaiba yung pakiramdam ko paggising ko. Parang ang bigat ng katawan ko at tinatamad akong bumangon..
Pag upo ko ay sha namang pasok ni Ulysses sa kwarto, di ko alam kung bakit pagkakita ko sa kanya ay nairita na ko..
Idagdag pa na tumabi sha saken..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romance"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...