CLAIRE
Matapos akong iligtas ni Ulysses ay nawalan ako ng malay.. Ang huling natatandaan ko lang ay putok ng baril..
Sana walang masamang nangyari..
"Dok!! Dok gising na sha!!" Dinig kong may sumigaw..
Nakarinig din ako ng yabag ng mga paa..
Nakakakita ako ng liwanag..
"Mrs. O'Connell.. Are you with us?" Tanong nung lalaking nakaputi..
Wala sa sariling napatango ako..
"Thank God!!" Sabi nito..
Naramdaman kong may mga kamay na yumakap saken..
"Jusko anak ko.. Buti naman at gising ka na.." Sabi ng isang pamilyar na tinig..
"Mama.." Nanghihinang sambit ko at iginala ang tingin.. Nakikita ko sha..
Laking pasasalamat ko dahil nagbago na si mama.. Kahit na stepmother ko lang sha..
"Ayos ka lang ba?" Tanong nya at hinaplos yung buhok ko..
"S-Si Ulysses? Yung mga anak ko?" Nagpumilit akong tumayo pero pinigilan ako ni Mama..
"Ma? Anong nangyare?" Tanong ko dahil kita ko sa mata nya ang lungkot..
"M-Mas magandang si Augustus nalang yung magpaliwanag sayo.. Papapasukin ko sha.. Sandali lang.." Sabi nito at binitiwan ang kamay ko saka lumabas..
Pumasok naman si Augustus kasama si Akira at isang babaeng may itim na buhok na may halong pula..
"Nasan si Ulysses?" Tanong ko..
Nakita kong napaiwas ng tingin yung dalawang babae at napayuko naman si Augustus..
Nag unahan nang pumatak yung luha ko..
"Sorry Claire.. Ginawa namin lahat para kay Ulysses pero--"
"Nasan sha!?" Putol ko sa sinasabi nya..
Napaiwas sha ng tingin kaya tumayo na ko.. Agad naman nya kong inalalayan.. Ngayon ko lang nakitang may benda ako sa binti. Eto yung napatakan ng asido..
"S-Sasaman na kita.." Sabi nya at inalalayan ako.. Lumabas kami sa kwarto at nagpunta sa kabilang silid..
Natigagal ako nang may makitang may nakasulat don na "morgue"..
Fvck!! Ayokong isiping wala na sha.
" nasa nursery yung mga bata.. Wag kang mag alala.. Ligtas sila.." Sabi nito pagbukas ng pinto.. Malamig yung buong silid at may labing dalawang kama ang nandon..
Inakay ako ni Augustus papunta sa isang kama.. Nakita ko yung pangalan ni Ulysses sa tag na nasa paa ng nakahiga doon at nakatakip ng puting kumot..
"B-Babe.." Gumising ka please.." Hagulhol ko..
Namandaman kong nahugot na yung dextrose ko, masakit pero wala akong pakealam..
"Babe.. Please.. Gumising ka.." Hagulhol ko pa habang niyuyugyog yung katawan nya..
"May pinabibigay sha sayo bago sha mawalan ng malay.." Sabi ni Augustus saka nya inabot saken ang isang singsing na nasa palad nya.. Isa yong diamond ring..
Kinuha ko yon at ikinulong sa mga palad ko.. Napayakap ako kay Ulysses saka humagulhol..
"Gumising ka.. Kung gusto mong ibigay sakin to diba dapat ikaw mismo yung magbigay.. Walang hiya ka.. Pano na yung nga anak naten.." Hagulhol ko pa..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romance"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...