KLNK 28

1K 11 0
                                    

(Warning: page one pa lang nabalaan ma kayo that this story is R18 and may not be suitable for very young readers..)

Pagkauwing pagkauwi na Claire sa unit nya ay katakot takot na sermon ang inabot nya kay Ulysses.. Pero sa kabila non ay nanatili shang tahimik..

"Ano ba Claire!? Sumagot ka pag tinatanong kita! Bat nasa labas ka ng ganyan yung suot mo? Huh?" Inis na sabi ni Ulysses..

"Sir Ulysses.. Hindi naman po porket boss kita pwede mo na kong sigawan.. M-Makikipagkita po kase dapat ako sa-- s-sa.." Hindi na natuloy ni Claire ang sasabihin dahil hindi nito alam kung ano ang iaaddress kay Mayor na sa pagaakala parin nya ay kaaffair nya..

"Sino Claire!?" Sigaw na ni Von sabay bagsak ng kamay sa mesa..

"K-Kay Maror Ziggy.."  Biglang sabi nya dahil sa gulat.. Napaiwas pa sha ng tingin kay Ulysses dahil sinamaan sha nito ng tingin..

Hinaklas ni Ulysses ang kanyang braso kaya napatayo sha..

"Makikipagkita ka sa kanya para sa anong bagay Claire!? Huh??" Sabi ni Ulysses dahil sa galit at selos na nararamdaman..

"Anong dahilan!! Sagot!!" Sigaw na ni Ulysses..

"D-Dahil may sasabihin daw sha saken.. D-Dahil.. K-Kabit n-nya ko.." Napayuko si Claire sa huling sinabi.

Napatiimbagang si Ulysses sa narinig..

"I see.. Hindi mo talaga maalalang wala na kayo.. Pwes ipapaalala ko sayo.." Mariing sabi ni Ulysses saka sha kinaladkad papunta sa kwarto saka itinulak sa kama..

Pumaibabaw sa kanya si Ulysses saka sha pinaghahalikan habang hawak ang magkabila nyang braso..

Nauubusan na ng pasenysa si Ulysses sa mga nangyayari..

Nagpumiglas si Claire pero malakas si Ulysses dahil narin sa selos na nabuo sa katawan nito..

"Ano ba!! Tama na!!" Sigaw ni Claire kasabay na matagumpay na pagbawi nya sa isang kamay na malakas nyang isinampal kay Ulysses..

"Ano bang problema mo!?" Sigaw ni Claire sa kanya..

"Hindi ka na kabit ni Mayor Claire!! Dahil akin ka na!! Naiintindihan mo ba? Akin ka Claire!!" Inis nang sigaw ni Ulysses..

"Isang taon na kayong wala ni Mayor.. Claire tama na.. Please naman.. Alalahanin mo na ko.." Naiiyak nang sabi ni Ulysses dahil napapagod na sha.. Pagod na pagod..

At ang sakit isipin na hindi ka maalala ng taong mahal mo..

Umalis na si Ulysses sa pagkakadagan sa kanya saka sha hinalikan sa noo.

"Mahal kita.. Pero marunong din naman akong mapagod.." Sabi nya sabay tayo..

Papunta na sana sha sa pinto nang magtangka si Claire na habulin sha.. Pero pagtapak na pagtapak ng mga paa ni Claire sa sahig ay gumuhit ang sakit ng ulo nito sa kanyang sintido..

Nagdilim ang lahat at nawalan sha ng malay..

Dali-dali shang tinakbo ni Ulysses sa pinakamalapit na ospital..

"Sir.. She can't be stressed.. Alam mo yan but what happened!?"  Tanong ng doktor..

" I was just.. I-- I don't know.." Naguguluhang sabi ni Ulysses..

Dumating si Rio dala ang paperbag na pamalit ng damit ni Claire kaya natigil ang doktor sa pangsesermon sa kanya..

"Oh Bon-Bon.." Sabi ni Rio sabay abot..

"Isang tawag mo pa saken ng Bon-Bon masasapak kita.." Sabi ni Ulysses sa kababata..

Inirapan lang sha nito..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon