KLNK 4

3.4K 38 2
                                    

Sabay kaming umakyat ni Lucille sa office sa pinakataas na floor nitong building.. Pagdating don ay halos mapanganga ako sa lawak ng lugar..

Puro glass walls pa yung nandito.. Parang bahay na tong buong floor na to a!? Pero may mga desks ng employees nga lang at mga filing cabinets.

Umalis si Lucille at sinabing umupo muna ko sa couch dahil may emergency meeting si Mr. O'Connell..

Nakuha ko nang antukin pero wala parin sha..

kainis!! Sayang yung oras.. Imbes na nagtatrabaho ako e nandito ako at nakatanga..

Pinatong ko yung braso ko sa lamesa at pinatong ko yung ulo ko..

Ilang saglit lang ay naramdaman kong tinatangay na ko ng antok..

Hinsi ko alam kung bakit bigla akong nagising sa pagkakayuko pero pagdilat na pagdilat ko ay bigla kong naalala na nasa opisina pala ako ng Bigboss namin!!

Bigla akong napaupo ng maayos pero laking gulat ko nang makita ko ang isang lalaking nakacross arms at nakatitig sa laptop na parang focus na focus lang don..

Nabaling ang atensyon nya saken at napataas pa ang kilay..

"Should I greet you a Good morning?" Seryosong tanong nito.. Oh-ow!!

Bigla akong napatayo sa upuan sabay sabing..

"Sir sorry po di ko sinasadyang matulog.. I'm sorry--aw!!" Sa kakayuko ko ay humampas yung noo ko sa mesa..

Narinig ko shang nagpipigil ng tawa..

Letche naman oh.. Umiral bigla yung pagkatanga ko.. Aish!!

Narinig ko yung pagtikhim nya habang hawak ko yung noo ko at nakayuko..

"Sit.." He said authoritatively..

I did what he said..

Tumingin ako sa kanya..

Ay fafa-- i mean.. Ang pogi nya.. Kung nandito lang yung mga baklang alipores ni Samji, baka nalapastangan na tong si sir.. Kasing hot pa naman ni Lee Min Ho..

"S-Sir B-Bakit nyo po ko pinatawag?" I asked pero nautal ako..

"You don't know?" He said raising his Eyebrows..

"H-Hindi po.." Sagot ko..

"You just stole my fvckin' phone.." Sabi nito kaya napanganga ako..

"Excuse me?" I said..

Nagsalubong ang kilay nya saka nya ipinatong ang siko sa table, pinag intertwined ang mga daliri saka ipinatong ang baba dito.. Which made him more hotter..

"I've already said what I have to say.. Now.. Give.me.back.my.PHONE.." Mahinahon pero may diing sabi nito..

"Dahil nasakin yung phone mo at alam ko yung sikreto mo.." Dagdag pa nya kaya napatuwid ako ng upo.. Nagsalubong na rin yung kilay ko..

"Paanong-- teka.. Ikaw yung nabangga ko kagabe??" I asked nang maalala ko yung nangyari kagabe..

"Maybe? Ang alam ko lang nagkapalit tayo ng nadampot na phone.." Sabi nya sabay lapag ng phone ko sa mesa..

Nilapag ko rin sa table nya yung phone nya..

Sabay namin yong tinulak palapit sa isa't isa..

Mabilis kong kinuha yung phone ko..

"Can you keep my secret, Mr. O'Connell?" Pasweet na sabi ko..

He raised his eyebrow..

"Why would I?" Tanong nya sabay cross arms..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon