KLNK 19

2.2K 36 1
                                    

CLAIRE

Nailibing na si papa.. Pero nagpaiwan ako dito sa puntod nya.. Pinipilit pa ko ni Ulysses na sasamahan daw nya ko pero hindi ko sha pinayagan..

Pinaalis ko rin sha..

Kaninang ibinababa na sa hukay yung kabaong nya.. Parang gusto kong sumama.. Si ate Nevaeh naman ay sinisisi parin ako.. Si mama hinimatay..

Umiyak din si Ulysses at buong oras ay yakap lang nya ko mula sa paglalakad hanggang sa mailibing na si papa.. Sila Samji din dumating pati yung ibang katrabaho namin..

Nakakapanghina pala pag sariling magulang mo yung nawala.. Pag kase nakikipag lamay ka.. Hindi mo mashadong nararamdaman yung sakit.. Pero iba pala kapag ikaw mismo yung nawalan..

Naramdaman ko yung malakas na ihip ng hangin.. Nagdidilim na din ang langit.. Oo nga pala.. May bagyo..

"Pa.. Alis muna ko ha.. Babalik din ako.." Sabi ko saka naglakad palabas ng sementeryo..

Sumakay ako sa jeep at pumunta sa pinakamalapit na mall..

Kaylangan kong kumanta.. Yun lang yung nakakapagpagaan ng loob ko..

Agad akong pumunta sa isang Arcade  para magpaload sa card ko..

Ang kaso punuan pala yung booth kung saan pwedeng kumanta..

At ang tanging available lang na puntahan ay yung Stage kung saan pwedeng kumanta yung mga tao tapos papanuorin ka ng iba..

Nakakahiya naman.. Pero kaylangan ko talagang kumanta.. Kaya bahala na..

Sakto at walang kumakanta sa stage.. Pero may mga taong nakaupo sa upuan na nakitambay lang.. Nasa 20 na tao yung nakaupo dahil 20 lang din naman yung upuan..

Umakyat ako sa stage at alam kong naagaw ko yung atensyon nila..

"Ay si ate bongga.. Taray ng beauty oh.." Sabi nung isang bakla..

Huminga ako ng malalim sabay swipe nung gaming card ko.. Pumili ako ng kanta.. Parang hindi naman ako namumukhaan ng mga tao kaya feeling ko okag nang maglalabas ako.. Siguro natabunan na ng balitang bawal ang single sa edsa yung balita tungkol samin ni Mayor.. Balita ko rin na pinabulaanan lahat ni Mayor yung picture nang interviewhin sha..

Hindi ako sanay kumanta sa harap ng maraming tao ng ganito yung itsura ko.. Nung ako pa si Erial-C lagi akong nakasuot ng sobrang kapal na make up saka wig.. Lagi rin akong nakashades non kaya kada lalaban kami sa mga competion hindi kami nakikilala..

Buti pa si Ash.. Effortless dahil sa bangs...

Back when I was a child
before life removed all the innocence
my father would lift me high
and dance with my mother and me and then.
Spin me around 'til I fell asleep
then up the stairs he would carry me
and I knew for sure I was loved♪

Nanahimik lahat nang kumanta ko.. Pansin ko rin na may ibang kumukuha ng video saken.. Just Like before when I was Erial-C.. Hindi ko namalayan na lumapit na yung iba..

If I could get another chance,
another walk, another dance with him,
I'd play a song that would never, never end
How I'd love, love, love to dance with my father again♪

Tinapos ko nalang yung kanta dahil sa naiiyak na ko..

Pero paglabas ko ng arcade.. May biglang humabol sakin na isang binatang teenager pa yata..

"Miss.. pamilyar sakin yung boses mo.. Are you familiar with Erial-C?? Yung sumikat sa YouTube.. Kaso sayang.. Kundi ko lang alam na si Miss Sofia si Erial-C baka napagkamalan kong ikaw yon.." Sabi nito.. Ngumiti nalang ako at nagmadaling nagpaalam..

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon