KLNK 41

1.6K 19 0
                                    

CLAIRE

Mabilis na lumipas ang araw..

Wala kaming sinayang na oras ni Ulysses.. Pero parang kulang parin..

Sa ngayon, pauwi na kami sa pilipinas ng mga kasama ko at sasama daw sha para maihatid kame..

"Oh! Pano ba yan Claire, magkakalayo ulit kayi ni Loverboy.. Ayiiiieh!!!" Sabi ni Ezekiel sabay tusok sa tagiliran ko dahil napapagitnaan nila ako ni Ulysses dito sa van.. Si Akira mag isa sa likod at natutulog yata? Nakayuko kase habang may nakasalpak na headset sa tenga..

Si Ricoe at Charles naman ay nasa unahan..

"Sira.. Kakayanin naman namin e.. Saka three months nalang din naman at uuwi na din sha.."  Sabi ko..

"Edi kayo na.. Kayo nang may lovelife.." Sabi ni Kiel..

"Palibhasa walang pumapatol sayo.." Nagulat kame nang umimik si Akira sa likod kaya nilingon namin sha..

"Sus!! E baket ikaw? May pumapatol sayo Akira? Diba wala?"  Sabi naman ni Ezekiel na ipinatong pa talaga yung braso sa sandalan para lang makita si Akira ng maayos..

Akira gave him a dirty finger kaya nagtawanan kaming lahat..

"Tanggalin mo kase yang hood mo.. Amin na tanggalin naten--" dumukwang si Ezekiel para alisin sana yung hood ni Akira pero iniunat ni Akira yung paa nya saka nya ito sinipa sa mukha..

"Aray!! Ano ba!!" Sigaw ni Ezekiel.

Buong byahe ay tinatawanan namin yung bangayan ng dalawa at ang laking himala yata na nagsasalita na si Akira ng salitang naiintindihan namen.. Noon kase kundi Spanish ay Japanese yung salita nya at pabulong pa..

I wonder kung anong itsura nya sa passport? Nakahood din pa sha sa picture nya don?

Pagdating namin sa Airport ay sakto namang tinatawag na yung flight number namen kaya nagmadali na kame..

"Babe sorry we have to go.." Sabi ko sabay halik sa kanya na sinuklian naman nya..

"It's okay.. Call me pag nandon na kayo.." Sabi nya kaya napatango ako..

Nagyakapan kame ng sobrang higpit nang makaramdam ako ng kirot ng ulo.. Kainis.. Napapadalas na to..

"Bye babe.." Sabi nya at ayokong mahalata nya na may problema ako kaya ngumiti ako..

"See you soon.." Sabi ko naman saka na bumitaw sa kanya..

3months lang naman e..

----

Mabilis na lumipas bawat araw, marami kaming natatanggap na invitations para magperform sa iba't ibang lugar.. Pero napapansin kong lumalala yung migraine ko pero di ko yon sinabi kay Ulysses.. Kada bumibisita si Samji sa unit ay napapansin nya yung paga kong mata dahil kakaiyak sa sobrang sakit.. Sinabi ko nalang na wag nyang sabihin kay Ulysses para wag mag alala..

Ayoko namang pumunta sa doktor dahil ayoko sa ospital..

"Hi babe!! Kamusta.. Sorry ngayon lang ako nakapag online ha.. Kakauwi ko lang galing sa isang guesting e.." Sabi ko habang nakaharap sa screen..

"Haha!! Napanuod ko nga.. Ang galing mo palang sumayaw babe?" Sabi nya habang nakasalumbaba at may pataas taas pa ng kilay..

"Psssh!! Oy cheering squad kaya ako nung highschool pero di ko lang tinuloy nung college.." Sabi ko sabay irap na ikinatawa naman nya..

"Sayawan mo ko pag uwi ko ha. Sa makalawa na yon.." Sabi nya sabay kindat..

"Loko ka no.. Hmmh.. Sunduin kita sa airport ha.." Sabi ko

Kabit Lang Nya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon