CLAIRE
Isang linggo na yung nakalipas mula nang insidenteng yon.. Nung sinalubong ko sha at ganon yung inasal nya.. Nasaktan ako..
Hayh..
Isang linggo na din shang gabing gabi umuuwi at sobrang agang pumapasok sa opisina..
Pag nagkakatagpo naman kami at itatanong ko sa kanya kung may problema nya.. Sasabihin lang nya na busy daw sa opisina.. Pati si Agatha nagagalit na sa kanya dahil hindi din nito pinapansin.. Nung nakaraan nagkasagutan pa sila ni Hedone dahil sa pagiging mainitin ng ulo nya.. Pati parents nya nagtataka na..
May mali dito.. Hindi ako tanga para hindi yon malaman..
Alam ko na.. Kaylangan ko nang pumunta sa Publishing company..
Kaylangan ko na shang komprontahin..
Sumakay ako ng taxi papunta sa building ng kumpanya pero pagbaba ko ay may tumawag sakin..
"Claire!!" Sigaw nito kaya mabilis ko shang nilingon..
"Charles!?" Gulat na sabi ko saka ngumiti ng alanganin..
Anak ni Mayor si Charles at nagkahiwalay kami nang may mamagitan samin ng ama nya.. Sa lahat ng anak ni Mayor.. Sha ang may pinaka nakakaalam sa mga kalokohan ng ama..
"Wazzup.. Sikat ka na a?" Sabi nito sabay ngiti.
"Sikat?" Tanong ko..
"Yhup.. Sikat ka.. Look" sabi nya sabay pakita sakin nung phone nya..
"She sounds familiar.." Pa yung caption..
Yun yung video ko nung kumakanta ko sa mall..
Inagaw ko yung phone nya saka tinignan yung comments..
May mga nagsabing kaboses lang daw.. May mga nagsabi naman na baka ako daw si Erial-C pero isang Comment ang nakakuha ng sandamakmak na replies..
'You know what guys, I've tried to look at her voice.. From measurements of pitch and quality.. Guys!! Legit to! Sha si Erial-C' ang daming nagreply sa kanya na si Sofia si Erial-C pero nagreply sha sa sarili nya at sinabing..
'Sinubukan kong I-Measure yung boses ni Miss Lopez sa boses ni Erial-C but it didn't fit at all.. She's a fake!!'
Naloka ako!! Shit naman..
"Now what Claire? Tell me? Ikaw ba si Erial-C?" Sabi nito..
"Uh.. N-No.." I said but I sound so Defensive kaya napangiti si Charles..
"My Goodness Claire I know you too well specially pag nagsisinungaling ka.. You're Erial-C!?" Sabi nito..
Napalingon tuloy sakin yung ibang dumadaan..
"Wait!! Guys oh yung babae sa viral video!!" Sigaw nung pinakamalapit na babae saka tumakbo palapit saken kasama nung mga barkada nya pero itinakbo naman ako ni Charles palayo..
"W-Wait Charles may kaylangan pa kong gawin teka lang!!" Sabi ko saka lumingon sa main door ng building at laking gulat ko nang makita ko si Ulysses na nakatingin saken na halatang gulat at nagtataka.. Pero naalis ang tingin nya saken nang may kumapit sa braso nya.. It's Sofia Lopez..
"Claire bilisan mo!!" Sigaw ni Charles sabay hila saken ulit ng mas mabilis..
Nagtago kami sa isang stall sa mall.. Nung nailigaw na namin yung mga humahabol samin ay hinila nya ko sa isang shop ng iba't ibang item..
Humakot sha ng make ups at kung ano ano pati wig sinama nya kaya pagdating sa counter ay patingin tingin sa kanya yung kahera at paulit-ulit na nagtatanong ng..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romance"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...