CLAIRE
Paggising ko ay nakaramdam ako ng matinding kirot sa ulo ko.. Ano ba yan.. Parang binibiyak yung ulo ko..
Kaagad kong dinial yung number ni Ulysses.
Pero hindi nya sinasagot..
Nakatanggap ako ng message mula sa kanya..
"Sorry babe, nasa meeting ako. I can't answer your call.." Sabi nito..
Sobrang sakit talaga.. Kainis..
"It's okay babe.. Sorry.." Sabi ko saka nalang nagpunta sa banyo para maligo.
"Pupuntahan kita pagkatapos nito.." Sabi nya..
"Sige babe.. I love you.." Reply ko..
" :-* I love you too.." Aba.. May emoji pa..
Pagkapasok ko sa CR ay napasandal ako dahil parang nahihilo ako..
Naramdaman kong may mainit na likido sa ilong ko kaya kinapa ko yon.
Nakita kong may bahid ng dugo yung kamay ko.. Pati na rin sa tile ay pumapatak yung dugo..
Dali dali akong nagpunas ng ilong saka naghilamos..
Matapos kong maligo ay nawala na yung sakit ng ulo ko..
*beeeeeeep!
Kaagad kong sinagot yung tawag..
"Hello?" Tanong ko..
"Hey Claire. I just want to remind you tungkol sa guesting mo sa concert mamayang gabi ha.." Sabi nya..
"Ah oo.. Naaalala ko don't worry.." Sabi ko sabay ngiti..
"Sige. Bye.." Sabi nya sabay patay ng tawag..
Pero nag ring ulit tung Phone ko kaya sinagot ko Ulit..
"Hey babe.."
"Hi.." Pinasigla ko yung boses ko dahil ayokong mag alala sha pero medyo pumalpak ako..
Nakakarinig ako ng ingay sa Background nya..
"Babe, okay ka lang? You sound so sick.. What happen?" Tanong nya..
"Wala naman.. Ano ka ba.. Ayos lang ako no.." Sabi ko..
"Are you sure?" Tanong nya..
May narinig akong nagsalita ng French sa kabilang linya..
"Sh.t.. Babe sorry, may meeting pa pala in 30 minutes.. Kainis.." Sabi nya na halatang disappointed..
"Ayos lang.. Pero alas dos na.. Kumain ka na ba?" Tanong ko..
"Oo kumain na ko.. Oo nga pala no. Hapon na.. Lumabas ka ng unit mo, magpaaraw ka.." Bilin nya..
Medyo matagal tagal pa kaming nag usap hanggang sa nagpaalam na sha dahil kaylangan na nyang pumasok sa Conference room at si Augustus daw yung magsasalita sa harap..
Lumabas ako saglit at saktong nakita ko naman sila Charles sa Hallway kasama sila Ricoe at Ezekiel.. Si Akira naman at kumakain ng Crepe sa likuran nila..
"Hey!!" Tawag ko kaya napalingon sila saken..
"Uy!! Tara sama ka!! Papasyal tayo sa beach sa malapit.." Sabi ni Ricoe..
Tumango ako saka sumabay sa kanila..
Nagulat ako nang may iabot na paperbag si Akira saken.
"Huh? Ano to?" Tanong ko.
"Crêpe..masarap.." Tipid nyang sagot inabot ko naman at may dalawang piraso pa sa loob kaya kinuha ko yung isa saka ibinalik sa kanya yung paperbag..
BINABASA MO ANG
Kabit Lang Nya Ko
Romance"Mayaman ka nga!! Gwapo!! Pero ano!! Kabit ka lang!!" "Wag kang magmalinis!! Parehas lang tayo!! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako!!" "Atlease.. Ako Legal.. E ikaw??" "Oo alam ko!! Tanggap ko naman e!! Na kabit lang nya ko!! Atlease ako tangga...