Vicky's life
~dug, dug, dug~
Nagsasaya ngayon sa bar. Ang mga tao rito ay nagiging wild na rin dahil sa tugtog. Pero heto ako, patuloy pa rin ang paghataw sa pole.
I'm a dancer in this bar. Malaki rin kasi ang kita rito kaya hindi ako makaalis-alis.
Nagpapatuloy pa rin ako sa paghataw nang naramdaman kong may humawak sa pwet ko.
Ang damit lang kasi namin ay sleeveless na hanging tapos ang ibaba naman ay shorts na super ikli.
Liningon ko naman kung sino ang gumawa nun at nakita kong matandang panot ito.
Pak!
Sinampal ko nga ng malakas. Eh bastos siya eh. Lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa gawi namin.
Nakatingin lang sa 'kin ng masama ang lalaki habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko. Actually, hindi lang ngayon ang naencounter ko na may nambabastos sa 'kin. Eh syempre trabaho ko 'to. Hindi ko naman maiiwasan yun.
Wala na ang mga maraming tao sa bar. Nakaharap ngayon ako sa manager namin habang nakaupo siya sa isa sa mga stool.
"Pang-ilang beses ng gulo ito Vicky? Alam mo pwedeng-pwede lang kitang patalsikin sa bar na ito. Pero malaki na ang tiwala namin sa 'yo. You're almost five years working in here." Base sa boses ni kuya Red ay nadisappoint siya sa ginawa ko.
Pero ano nga bang magagawa ko, binastos niya ako. Dapat bang maging thankful ako dahil sa inasal ng lalaking panot na yun?
Nakayuko lang ako habang nakikinig sa sermon ni kuya. Kuya na talaga ang tawag ko sa manager namin na si kuya Red. "Vicky, you should just report it at hindi sinasapak mo na siya agad," sabi niya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong huwag manumbat. "Pero kuya, binastos niya ako," pagdedepensa ko sa aking sarili.
"Hays." Tumayo si kuya Red at ipinatong niya ang kanyang kamay sa isa kong balikat. "Vicky, kung ayaw mong mabastos.." Nagpause siya saglit saka itinuloy ang dapat niyang sabihin. "Pwede ka namang tumigil," sabi niya pero mahahalata mo talaga sa kanyang mukha na malungkot siya sa mga salitang kanyang binitiwan.
"Gusto mo ba akong alisin sa trabaho," sabi ko na puno ng pag-aalinlangan.
Nag-iwas siya ng tingin bago nagsalita. "Hindi naman sa ganun pero.. Ang laswa kasi ng trabaho mo rito sa bar. You don't deserve this. Makakahanap ka naman ng mas magandang part time job sa paligid," he sincerely said.
"Pero kuya, parang ko na kayong pamilya. Hindi ako basta-basta aalis. Ang tagal ko na rito tapos ngayon mo lang ako pagsasabihan ng ganyan?"
"I'm sorry Vicky but what if you try?"
Ang mga huling salita ni kuya Red ang bumabagabag sa 'kin habang naglalakad ako pauwi sa amin.
Pak!
Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman kong may nanampal agad sa 'kin. Tinignan ko naman kung sino at yung napakagaling ko pa lang ina.
"Ilang beses na kitang pinagsabihan na huwag ka ng papasok sa bar na yun!" Sumisigaw siya ngayon sa harap mismo ng bahay namin. Sa sobrang lutang kasi ng utak ko hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa bahay.
Tinignan ko lang siya ng matalim bago tumalikod at tumungo na sana sa loob ng bahay nang hawakan niya ang braso ko kaya napalingon muli ako sa kanya.
"Tinatalikuran mo nanaman ako? Nung una, hinahayaan lang kita pero sumosobra ka na! Nagkulang ba ako ng pangaral sa 'yo, ha?" sigaw niya sa harap ko.

BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...