Chapter 21: Letter

83 25 0
                                    

Letter

Third Person's POV

~Flash back~

Si Lea ay isang magaling na ballerina. Kinahahangaan siya dahil hindi lang siya magaling kun'di kakaiba rin ang kanyang taglay na kagandahan.

Dati na rin siyang napapansin ni Gion pero hindi siya pinapansin dahil focus muna siya sa kanyang pagsasayaw. Si Gion ay isa ring ballerina. At siya lagi ang nakakapartner niya sa kanyang pagsasayaw.

Gusto rin siya ng bestfriend ni Gion na si Max kaya nagseselos siya everytime na magpapartner sila.

Nag-aaral silang tatlo sa isang ballet class. At 'di nagtagal ay unti-unti ng nahuhulog ang loob ni Gion kay Lea kaya karaniwan silang nagkakaroon ng time para makipag-usap sa isa't-isa sa practice room. Kaya palihim silang pinagmamasdan ni Max.

Punong-puno na nga siya ng pagseselos kaya sinabi na nga niya sa kanyang magulang na gusto niyang magpakasal. At dahil nag-iisa siyang anak ay spoiled siya sa kanyang magulang kaya inarrange marriage nila si Max at si Lea.

Kahit ayaw ni Lea ay wala na siyang magagawa dahil ang mga magulang na niya mismo ang pumayag sa kasal nila.

Hindi matanggap ni Gion ang ginawa ni Max dahil mismong bestfriend pa niya ang tataksil sa kanya. Pero wala rin siyang nagawa dahil sa Amerika nila ginanap ang kasal. Wala naman siyang sapat na pera para bumili ng ticket papunta duon.

Sa kinagabihan pa ng kasal nila ay pinilit pa ni Max na gawin nila ang ginagawa ng mag-asawa kaya wala ring nagawa si Lea dahil sa taglay n lakas ni Max.

Nagbunga ang nangyari sa kanila pero nang ipanganak niya ito ay hindi nila inaasahang maaga siyang nawalan ng buhay. Hindi lubos maisip ni Lea na mawawala ang kanyang anak ng maaga dahil nung araw na pinanganak niya ang kanyang anak ay nakita naman niyang sobrang healthy ng bata at inilagay muna nila ang baby niya sa nursery para magpahinga si Lea. Dahil hindi maalagaan ni Max ang kanilang anak dahil marami pa itong trabaho.

Pero kinabukasan nung kinuha na nila ang baby mula sa nursery ay nahihirapan na itong huminga at 'di kalaunan ay namatay rin ito. Nabalitaan din nila ang pagkawala ng anak ng kasabay ni Lea na nanganak na yun din ang ipinagtataka nila.

Labis ang pagkalungkot ni Lea pero sa mga panahon na iyon ay lihim pa rin silang nagkikita at nagkakatext pa rin sila ni Gion na waring magjowa. At parang walang asawa si Lea.

Nang saktong wala si Max dahil sa kanyang business trip ay palihim na umalis si Lea sa mansyon nila at para kitain si Gion.

"Itakas mo na ako Gion, hindi naman siya ang totoo kong mahal kun'di ikaw," sabi ni Lea kay Gion.

"Itatakas kita at malaya na nating ibigin ang isa't-isa," sagot naman ni Gion at nagtungo sila sa kagubatan kung saan ay malayo sa syudad dahil sigurado naman si Lea na gagawin ni Max ang lahat para lang matunton siya.

At sa paglalakad nila ay may nakita silang munting kubo-kubo kaya nagtungo sila agad duon.

Tumira sila duon ng isang linggo. May mga nakatanim naman duong mga gulay at prutas kaya pwede lang din nila itong pitasin at kainin.

Ang alam ni Gion na hindi sila hinahanap nila Max pero nagkamali siya dahil pagkagaling ni Gion sa bayan ay labis siyang natatakot at nag-aalala.

"Anong nangyari?" tanong ni Lea pero imbes na sagutin ay hinalikan lang niya ito na parang wala ng bukas.

"Pangako mo na mamahalin mo pa rin ako kahit anong mangyari?" tanong nito.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan Gion? Syempre ikaw lang naman ang buhay ko," sabi ni Lea dahilan para halikan siya muli ni Gion hanggang sa nangyari na nga ang bagay na iyon buhat ng kanilang pagmamahalan.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon