Miracle baby
Olie's POV
"S-sorry po. Kasalanan ko ang lahat," sabi ko sa kanila pero hinawakan lang ng papa niya ang balikat ko at pansin ko sa mata niya na gusto na rin niyang umiyak.
"Hindi mo kasalanan iho. Wala namang may gusto ng nangyari. Saka hindi ka pa man pinakilala ng anak namin sa'min, pero alam kong mahalaga siya sa'yo," sabi ng tatay niya at tinap-tap ang balikat ko.
"Huwag ka ng mag-alala, magiging okay rin ang lahat. Kilala ko si Shaira at matapang siyang babae, alam kong any day now ay gigisng din siya," mahabang salaysay ng nanay niya.
"Kailangan ding malaman ng mga kagroupmate niya 'to," sabi ni ate at dinial na agad niya ang number nila.
"Hellow Chandra?" nagpause muna siya saglit para pakinggan ang nasa kabilang linya. "Nasan ang iba?" again nagpause ulit siya para pakinggan ang nasa kabilang linya.
"Punta kayo ngayon sa ospital."
(...)
"Si Shaira kasi."
(...)
"Bilisan niyo na lang pwede?" Ibinaba na niya ang tawag pagkatapos nun.
"Shaira anak! Bakit ka naman ganyan? Bakit ka naman nang-iwan ng ganun kabilis? 'Di ba may pangarap ka pa anak? Anak!" sabi ng nanay niya at niyakap-yakap pa rin si Shaira na mahimbing na natutulog.
"Nika, umiiral nanaman ang pagkaOA mo. Hindi pa mamamatay ang anak natin. Alam kong lalaban siya mahal," sabi ng tatay niya sa kanyang asawa.
Ilang minuto pa ng pananahimik ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang tatlo niyang groupmates.
"Shaira!" sabi ni Chandra at tumakbo na papunta sa mismong bed ni Shaira.
"A-ate anong nangyari sa kanya?" tanong ni Vicky at hinagod-hagod na ang buhok niya.
"Nabundol siya ng truck at nasa state ng comma siya ngayon," saad naman ni ate Kim.
"Sh-Shaira..." unti-unti namang lumapit si Lailly sa bed.
"Shaira," sabi muli niya at hinawakan pa ang magkabilang pisngi ni Shaira.
"Ano ba kayo," sabi naman ni tito tatay.
Huwag ng magtanong sa tawag ko sa kanya, sa isip ko lang naman eh.
"Nagagaya na kayo kay tita niyo Nika sa sobrang OA." Napatingin sila kay tito tatay at pinunas na nila ang kanya-kanya nilang luha.
"Nacomma lang ang anak ko at hindi pa naman siya mamamatay. Alam kong gigising siya," mahaba pa niyang salaysay.
***
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Ang mga magulang sana niya ang magbabantay sa kanya ngayon pero I choose to look over her. Kung hindi kasi dahil sa'kin, hindi siya mabubundol.
"Good morning sir," napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. "Tignan ko lang po vital signs niya sir," sabi niya at lumayo naman ako para matest nila ang vital signs ni Shaira.
Kung ano-ano pang ginagawa nila sa kanya hanggang sa natapos na nga ang doctor at humarap sa'kin.
"Her vital signs is still the same from yesterday. Kausapin niyo lang siya sir at maririnig niya lahat ng yun. Iparamdam niyo lang sa kanya na nandiyan kayo para sa kanya at baka gaganda ang resulta ng vital signs niya," sabi pa nito. Tumango-tango lang ako at umalis na nga ang doctor.
Umupo na agad ako sa tabi ng bed pagkalabas ng doctor. At hinawakan ang kamay ni Shaira.
"Sh-Shaira... naririnig mo naman ako 'di ba? Please gumising ka na, miss ko na ang masiyahing Shaira, promise 'di na kita aawayin," sabi ko pero as expected ay wala siyang response.
![](https://img.wattpad.com/cover/161171440-288-k675679.jpg)
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...