Visit
Vicky's POV
Nandito kaming lahat sa kwarto ni Chandra. Tambay-tambay lang, eh sa walang magawa. Sabado na ulit ngayon at gaya na nga ng ineexpect ko ay tinanong ng mga teachers kung bakit dalawang araw akong absent. Ang sinagot ko naman sa kanila ay may sakit lang ako kaya ako nag-absent.
Hindi ko talaga ugali ang magsinungaling pero alam naman kasi nila na hinding-hindi ako mag-aabsent kapag hindi importanteng bagay and I think ang pag-outing namin ay hindi importante pero napasama lang talaga ako.
"Vicky tignan mo." Napatingin naman ako sa cellphone ni Shaira at nakita ko dito si Peter na may kasamang bata at may sinakyan silang mga rides base sa background ng pictures.
"Bakit mo pinapakita 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang, baka kasi interesado ka," sagot lang niya.
"Ano 'yan?" tanong naman ni Chandra.
"Yung inupload kasi ni Peter sa instagram. May kasama siyang bata," sagot ulit ni Shaira kay Chandra.
"Nakafollow ka sa kanya?" tanong naman ni Chandra rito.
"Lahat naman ng members ng Kingston ay finollow ko sa instagram," sagot ni Shaira.
"Papasa nga ng apps niyo. Wala pa kasing app 'tong phone ko," sabi ko naman sa kanila.
Nakita ko kasi na busy silang lahat sa kanya-kanya nilang phone.
"Ako, maraming apps," pagvolunteer naman ni Chandra.
Una muna niyang pinasa ang share it via bluetooth and then inopen ko na ang share it nang tapos na itong iinstall.
"Anong gusto mo?" tanong ni Chandra at nag-iiscroll-scroll pa sa kanyang phone. "Ito instagram para ifollow mo ako," sabi niya at pinindot ang instagram.
"Eh wala pa naman akong account," pahayag ko naman.
"Huwag kang mag-alala, gagawan kita," sagot naman niya. "Ito rin oh, youtube," sabi niya ulit at pinindot din ang youtube app. "Isubscribe mo rin ako rito ha?" tanong niya sa'kin at tumango lang ako.
"Ayos din ang paraan mo Chandra ah, para lang makadami ng followers," sabi ni Lailly.
"Hayaan mo na Lailly. Okay lang naman sa'kin eh," sabi ko naman.
"Bleh! Okay lang daw sa kanya." Binelatan ni Chandra si Lailly at sinimangutan lang siya nito. "Magpasa rin ako ng laro para may libangan ka," sabi pa ni Chandra at nagpasa ng tatlong laro.
Pero hindi ko alam kung anong meron sa ngiti ni Chandra pero feeling ko kakaiba ito. This time ay inilayo na kasi niya ang phone niya pero hindi pa niya naipasa ang mga apps na pinapapasa ko.
"Oh hayan napasa ko na," sabi niya.
May nakita akong eroplano na lumipad kaya dahil dun ay naignorante ako.
"May ganun pala? Lumilipad yung eroplano para maipasa sa cellphone ko," sabi ko naman.
"Hintayin mo lang ang pagloading ng lahat bago mo isa-isahing iinstall silang lahat," wika ni Chandra.
Pero nang nakalipad na ang eroplano ay may pumukaw sa atensyon ko at napatingin na lang ako kay Chandra na nagtatago na sa likuran ni Shaira.
"Kailan mo 'to nakuhanan?" tanong ko.
"Ang sarap kasi ng tulog niyong dalawa," paliwanag niya.
May tatlo kasi siyang naipasang pictures at nung nasa van ba naman kami ni Peter at nakasandal ako sa balikat niya. Gosh hindi ko talaga namalayang nakatulog ako sa balikat niya.

BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...