Chapter 39: Brain tumor

79 18 0
                                    

Brain tumor

Kristy's POV

Tinitignan ko ang picture nila Lailly at ibang members ng Kingston. May bago nanaman akong gagawing issue sa kanya at kay Chandra na lang. Actually ang hirap mag-isip ng issue sa kanya.

Nang lumabas na ako ng kwarto para malaman kung anong mga ginagawa nila at kita kong nanonood lang sila sa TV at napansin naman yata ako ni Lailly kaya kinawayan niya ako.

"Kristy halika, samahan mo kami." Nakita ko kung pano siniko ni Shaira si Lailly kaya hindi na ulit niya ako pinansin.

Umupo ako sa sofa sa tabi nila para saluhan silang manood ng TV.

"Uuwi ka ba sa bahay ngayon Chandra?" tanong ni Lailly dahilan nang pagkainterest kong makinig.

"Ah oo may kukunin lang ako sa bahay. Hindi ka ba sasama sa'king umuwi?"

So ibig sabihin iisa ang bahay nila Lailly at Chandra? Pano nangyari yun?

"Hindi na muna, next time na lang. Pakamusta na lang ako kina mommy at daddy," sagot naman ni Lailly na sinang-ayunan ni Chandra.

I didn't know na may iba pa silang koneksyon bukod sa pagiging magkagroup nila.

Kasalukuyan akong nasa taas ng puno para makita ko lang ang loob ng glasswall na bahay. Hindi naman masyadong high way dito kaya walang makakakita sa'kin. Sinundan ko si Chandra papunta rito and good thing hindi naman niya ako nahahalata.

Kita kong yumakap muna siya sa lalaki at babae bago umalis at pumasok sa isang pinto. But I notice something, mas kamukha ni Lailly yung lalaki kaysa kay Chandra. Eh magkapatid kaya sila? Hanggang sa ilang sandali pa nga ay lumabas na si Chandra at nagpaalam na muna sa kanyang mga magulang bago tuluyang umalis. Hindi naman ako pwedeng umalis nang walang nakukuha.

Hanggang sa may nakita akong matandang lalaki na may nakalagay sa likod niya na something. Yung para bang pang-alis ng lamok. Dali-dali naman akong bumaba at tinawag siya na lalagpasan na sana ang mansyon.

"Kuya, gusto mo tulungan kita? Ako na bahala dito sa mansyon," sabi ko pero hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha niya ngayon.

"Baku iha huwag na. Alam mo bang hindi nagpapaganito sila madam? Ayaw na ayaw niya kaya huwag mo ng subukan," sagot ng matanda.

"Ako pong bahala," sabi ko inagaw na nga ang ewan sa likod niya at nilagay sa likod ko at pinindot na ang doorbell.

"Naku huwag mo ng subukan iha," sabi muli ng matanda pero hindi ko pinakinggan.

Ilang sandali pa nga ay may lumabas ng katulong. But anything first ay naglagay na ako ng cap and face mask ko para hindi ako makilala.

"Pwede po ba akong pumasok? Mag-iispray lang ako para mawala ang mga insekto sa bahay niyo," sabi ko sa yaya.

"Hindi na kailangan. Siguradong mapapagalitan ako pag pinapasok kita-" nagsasalita pa rin ang yaya pero nagpatuloy na ako sa bahay nila.

Kunwari nag-iispray-spray ako sa mga halaman nila na nadadaanan ko bago ko marating ang mismong pinto ng bahay. At nakasalubong ko naman ang mama ni Chandra.

"Ma'am mag-iispray lang po sana ako dito sa bahay niyo," sabi ko at hindi ako makatingin sa mga mata niya kasi nakakatakot na para bang kakainin ako ng buhay.

"How many times do I need to tell you na no need kasi may iba kaming device na pampawala ng lamok," sagot niya.

"Mas maganda pag nakakasiguro talaga kayo ma'am. Dun na po ako, unahin ko yung mga kwarto niyo," sabi ko at nagtungo na nga sa kwarto ni Chandra.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon