Tunay na pagkatao
Third Person's POV
Napatingin na lang siya sa kawalan sa pag-iisip niya sa sinulat ng kanyang ama. At sunod ay napaluha muli siya at tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay at umiyak siya duon.
Ipinagkait niya ang mabigyan siya ng kompletong pamilya. Ipinagkait niyang magkaroon siya ng marangyang buhay.
Hindi alam ni Lailly kung magagalit ba siya, masasaktan, malulungkot o matutuwa sa nalaman. Ilang taon din siyang nawalay sa totoo niyang pamilya.
Inayos-ayos na niya ang kanyang gamit sa kwarto niya upang lisanin ang bahay na iyon. Patapusin niya muna ang siyam na gabi ng kanyang ama at pagkatapos niyang gawin iyon ay tumunog ang cellphone ni Lailly at nalaman niyang si Kim ang tumatawag. Sinagot naman niya ito agad.
(Lailly, makakapunta ka ba bukas?) tanong ni Kim sa kanya.
"Ate sorry hindi ko na yata kayang maging member ng grupo mo," sabi ni Lailly.
(Bakit naman Lailly?) tanong niya muli.
"Ate, wala na kasi si papa at hindi ko alam kung makakaya ko pang maging masaya pagkatapos nito," saad ni Lailly.
(Lailly, you should be happy. Hangga't nabubuhay tayo huwag tayong mamuhay na parang patay. Lailly you deserve to be happy saka pinaghirapan mong maging parte ng grupo ko and I know that you deserve it.)
Napaisip naman si Lailly sa sinabi ni Kim. At natahimik lang si Lailly.
(Oo nga pala, 'di ba may siyam na gabi pa ang papa mo? So icacancel ko yung buong buwan na hindi niyo pag-attend ng mga events) sabi ulit ni Kim.
"Talaga, para sa'kin ate?" tanong ni Lailly.
(Oo) maikli lang niyang sagot
"Salamat ate," sagot lang ni Lailly.
(Basta Lailly nakikiramay ako sa'yo) sabi ulit ni Kim.
"Salamat ate," sabi ulit ni Lailly at pinatay na nga ang tawag.
Hindi pa rin talaga lubos maisip ni Lailly na ampon siya but not legally adapted.
First night ni Gion at ang hiniram niyang pera kay Chandra at kay Shaira ay pinambili niya na lang ng kabaong at pampaburial niya ang iba. Ang mga pumunta ay mga kapit bahay lang nila at mga ibang classmates niya.
Hindi naman niya inaasahan na pupunta ang tatlo niyang kagroupmates dahil hindi naman niya ito sinabi sa kanila. Sinalubong siya ng yakap ang mga ito at hindi niya alam na sumama rin sa kanila si Kim.
"Lailly, sorry wala kami sa tabi mo para icomfort ka nung time na nawala si tito," sabi ni Vicky pero napadako lang ang tingin ni Lailly kay Chandra at niyakap ito.
"Ay nakakaselos naman 'yan. Si Chandra lang ang gusto mong yakapin?" sabi naman ni Shaira.
"Oo nga," pagsang-ayon naman ni Vicky pero hindi niya inintindi ang dalawa at kinuha lang niya ang letter para ibigay ito kay Chandra.
"Ano 'to Lailly?" tanong naman ni Chandra kay Lailly.
"Pinabibigay 'yan ni papa sa'yo," sabi ni Lailly at umupo na nga silang apat sa malapit sa kabaong.
Inumpisahan na ngang basahin iyon ni Chandra.
'Chandra alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko kaya pangungunahan na kita. Chandra ikaw ang tunay kong anak at si Lailly naman ang tunay na anak ng daddy mo.'
Gaya ni Lailly ay naguluhan din siya sa sinulat ni Gion.
'Ako at ang dad mo ay magbestfriend noon at dahil sa mommy mo ay nasira ito. Pero hindi ko naman sinisisi ang mommy niyo sa pagkasira ng friendship namin ng dad mo kasi kung wala siya ay wala rin ang mga magaganda kong anak. Sana ituring mo si Lailly na parang tunay mong kapatid kahit na magkaiba kayo ng ama.'
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Hayran Kurgu(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
