Finale
Third Person's POV
"Ano ba Peter," reklamo ni Vicky sa kanya.
"Nasan na yung mine mo?" mapang-asar na tanong ni Peter.
Sinubukang habulin ni Vicky si Peter para malagyan din ng icing pero hindi niya mahabol kaya nang makita niya si Chandra na malapit lang sa kanya ay agad niya itong nilagyan ng icing sa mukha.
"Peace Chandra," sabi niya sabay layo rito.
"Ano ba Vicky," reklamo naman ni Chandra kay Vicky.
"Ganti ka sa iba," pagsulsol naman ni Peter sa kanya kaya ang ending ay halos lahat na sila ay may icing sa mukha pwera na lang kay Kim.
"Huwag kayong lalapit," pagbanta niya kay Ricky at Olie nang lumalapit sila sa kanya pero hindi niya alam na meron na pala sa likod niya.
"Peace tayo ate," sabi ni Shaira sabay takbo palayo.
Pagkatapos ng eksenang iyon ay nagsipicturan muna sila bago sila nagsihugas ng mukha.
"Bye ate, happy birthday ulit," sabi ni Vicky at sumakay na nga sila sa van para ihatid sila sa kanilang dorm at ganun na rin ang Kingston.
Hindi masyado nakatulog si Toni kagabi dahil sa nangyari sa pagilan nila ni Kristy kaya ngayon ay papasok siya sa Muzico Entertainment para tignan si Kristy kasi sure siya na may problema ito, ayaw lang niyang sabihin.
Naglalakad lang siya sa hallway hanggang sa napatigil siya dahil may nadaanan siyang nagprapractice ng sayaw sa isang practice room.
"Oh ma, Oh ma, Oh my girl
Uh oh, da na na na na na
Are you ready? Come on
Uh oh, da na na na na na
Oh My Girl yeah," pagkanta nila sa kanilang debut song."So happy neoreul chaja wasseo-" Nang si Kristy na ang pupunta sa gitna para kantahin ang part niya ay nakita ni Toni kung pano siya tisodin ni Abigail.
"Aray!" sabi niya nang mapaupo siya sa sahig.
"Okay ka lang Kristy?" bigla siyang pumasok sa loob dahil sa nangyari.
Nagulat ang lahat pati na rin si Kristy dahil hindi nila ineexpect na bibisita si Toni sa kompanya nila.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Kristy sa kanya.
Inalalayan lang naman ni Toni si Kristy na tumayo.
"Bakit mo siya tinisod ha?" tanong niya kay Abigail.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko siya tinisod," pagtatanggi naman ni Abigail.
"Nakita ko tinisod mo siya," pagpumilit naman ni Toni.
"Toni, tama na 'yan," pagpipigil naman sa kanya ni Kristy.
"Sabi kasi may problema ka eh. Bakit hindi ka nagsasabi?" tanong ni Toni nang nakaupo na sila sa isang bench sa labas ng kompanya.
At dun lang bumuhos ang mga luha ni Kristy.
"Hindi ko alam kung bakit nila ako binubully, siguro ito na ang kaparusahan sa mga nagawa ko," sabi ni Kristy.
"Pabayaan mo na sila Kristy. Basta do good things na lang to them, magsasawa rin sila sa ginagawa nila sa'yo," sabi ni Toni sa kanya.
"Hindi ko na rin naman sila pinapansin," sabi ni Kristy.
"Ganyan nga," sabi ni Toni at tinap-tap ang ulo ni Kristy.
Nang lumayo si Kristy kay Toni.
"May kasalanan ka pa sa'kin, akala mo ba makakalimutan ko na yun?" tanong ni Kristy sa kanya.

BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...