Chapter 3: Shaira's life

202 49 98
                                    

Shaira's life

"Good morning world!" Nag-inat-inat ako bago tuluyang tumayo.

Nagulat ako nang may sumilip sa pinto ko. At iyon ay si Sophie, ang isa kong kapatid.

"Ate ang ingay mo," sabi niya.

Si Sophie ay mag gragrade 3 na kasama ng kanyang twin sister Fellie. Ang layo ng agwat namin 'no? Grade 12 na ako habang sila grade 3 pa lang.

"Malamang may bunganga ako Soph kaya mag-iingay ako hangga't gusto ko," saad ko naman.

"Si ate talaga," sabi niya bago umalis sa may pinto ko.

Nagmadali na akong pumunta sa banyo para maligo at ginawa ko na nga rin ang aking mga rituals sa umaga. Pagkatapos ko namang maligo ay nagbihis na rin ako agad.

"Kain na Shai," sabi ni nanay at dinalian ko na rin namang magbihis para makakain na ako.

Nakaharap na nga ako sa table namin at ngayon ay kumukuha na ng kanin at ulam.

"Kumusta ang school niyo anak?" tanong ni nanay.

"Parang sa mga mayayaman lang nay na tatanungin nila ang mga anak nila kung kumusta ang school?" pabalang na sagot ko kay nanay.

"Masama ba?" tanong naman ni inay.

"Wala naman akong sinasabi na masama nay ah," pabalang muli na sagot ko sa kanya.

"Saan mo ba natutunan 'yan bata ka," sabi niya pero pabiro lang niyang sabi.

"Sa 'yo ko lang naman natutunan nay," sagot ko ulit.

"Batang 'to talaga, oh siya sige na. Magmadali ka na at baka malate ka pa," sabi ni nanay sa 'kin kaya dahil dun ay nagmadali na rin akong kumain.

Kung tinatanong niyo kung nasan na ang kambal ay nauna na sa school. Ang aga-aga kasi nilang gumising kaya maaga rin silang pumapasok.

Minsan pa nga ay sila ang gumigising sa 'kin. Hindi na sila nagmana sa 'kin na late gumigising.

Nagtooth brush na ako at naglip tint konti. And ready to go.

Pagkarating ko sa room ay sinalubong agad ako ng mga group of friends ko.

"Musta ang vacation?" tanong nila.

"Okay lang naman. 'Di ba nagsummer job din kayo?" tanong ko sa kanila.

Kailangan kong magsummer job kasi para ipon ko na rin yun para pang college ko.

"Ako," sabi ni Hannah.

"Ako rin," sabi naman ni Katelyn.

"Hindi ako nakapagsummer job kasi pinagbawalan ako ni mama," sagot naman ni Jessa.

At dahil late ako ay ilang minuto lang ng pagdating ko ay dumating na agad ang teacher namin kaya nagsisi-ayos na kami ng upuan.

"Before I start our lesson. Meron lang akong iaanounce. Merong nagpapa-audition na company na naghahanap ng talent. Punta lang kayo sa KLM entertainment sa Sabado at dun mag-audition kung interesado kayo," sabi ni ma'am na nagpangiti sa'kin.

"Uy Katelyn mag-audition tayo," sabi ko sa kanya.

"Sorry Shaira, hindi ako interesado sa mga ganyan eh." Nalungkot naman ako sa sinabi niya. "At saka kung mag-aaudition man tayo eh hindi naman sigurado kung makukuha tayo," sabi pa niya.

"Itry lang natin, malay mo makuha tayong pareho," pag-eencourage ko sa kanya.

"Eh Shaira hindi kasi ako magaling diyan," sagot pa niya na nagpadissappoint sa 'kin.

"Sige," sagot ko na lang.

Siguro mag-aaudition na lang ako mag-isa ko.

"So who's interested?" tanong ulit ni ma'am.

Walang pagdadalawang isip at nagtaas kaagad ng kamay ang classmate ko na si Lailly na bumangon pa mula sa kanyang pagkakaub-ob sa arm chair ng upuan niya.

"Si Lailly lang ba?" tanong ulit ni ma'am.

"Ako rin po," nagtaas din ako ng kamay.

"Good," sabi muli ni ma'am.

Pinagpatuloy na nga ni ma'am ang pagdidisscuss.

"Sigurado ka bang gusto mong mag-audition?" tanong ko kay Lailly nang nakaalis na si ma'am sa room namin.

"Ha? Mag-audition saan?" tanong niya na nagpataka sa'kin.

"Para sa bagong group daw ng KLM entertainment," sagot ko naman.

"Ha? 'Di ako sasali 'no," sagot niya naman.

"Eh bakit ka nagtaas ng kamay kaninang nagtanong si ma'am?" tanong ko muli.

"Nagtaas ba ako?" sabi niya at hinawakan pa ang baba na parang nag-iisip.

"Sige na sali ka na para may kasama akong mag-audition," sabi ko pa sa kanya.

"Ha? Eh wala akong kaalam-alam dun," nalilitong sabi niya.

"Wala ka namang ibang gagawin kundi sumayaw lang at kumanta. Kaya mo 'yan. Ichecheer kita," sabi ko at nalilito pa rin siyang nakatingin sa 'kin.

Pag-uwi ko ay as usual nasa sala pa rin ang kambal na nanonood ng TV.

Linagpasan ko na lang sila at dumeretso sa kwarto ko. Kaagad kong inopen ang cellphone ko para magsearch ng pwedeng sayawin.

Nang maramdaman kong nagvivibrate ito tanda na may tumatawag. Vinibrate ko lang kasi ang cellphone ko kasi hindi pwede sa school namin kung class hours.

Nagpop naman ang number ni baby.

"Bakit?" tanong ko sa kabilang linya nang sagutin ko na ang tawag.

(Hindi ba pwedeng miss kita kaya ako napatawag) sabi naman niya.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Oo nga pala babe mag-aaudition ako sa bagong girl group ng KLM entertainment," sabi ko.

(Good, ipasa mo 'yan ha?)

"Opo, promise papasa ako," saad ko.

(Hindi mo pa sinabing miss mo ako) sabi niya na waring nagtatampo.

"Ikaw talaga. Oh sige na miss na kita," sabi ko ulit.

(I love you)

Napangiti na lang ulit ako sa sinabi niya.

"I love you too, sige na patayin mo na eh maaga pa ako bukas," sabi ko sa kanya kaya sinunod naman niya ako.

Napatili na lang ako sa unan ko para hindi nila marinig sa labas. Ang swerte ko sa kanya. Kasi hindi lang siya caring, ang sweet din niya.

***

Rosé as Shaira Cruz

Rosé as Shaira Cruz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AN:

Uy bata ka pa saka na 'yang lovelife. (Ang bitter ng author na 'to) Buti pa kasi ang character ko may lablayb eh.

Pero gusto ko lang sabihin na si Rosé ang bias ko. I like her voice so much. Yun lang and enjoy reading.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon