Dinner date
Third person's POV
Kinagat ni Chandra ang kamay ng lalaki dahilan para mapabitaw siya sa paghawak niya sa kanya
"Itigil niyo 'to," sabi ni Chandra sa driver pero nagpatuloy lang sa pagdridrive ang driver.
"Bakit ko naman ititigil miss? Malaking bagay din ang one million,"
"Ititigil niyo ito? O tatawag ako ng police para kasuhan kayo ng kidnapper?" pagbabanta ni Chandra.
"Didiretso naman na tayo sa police," sagot naman ng babae.
Nang makarating sila ay dumeretso agad sila sa chief officer.
"Chief nahanap ko po ang babae sa litrato." Ipinakita naman ng lalaki ang papel sa officer na kung saan ay nakalagay ang picture ni Chandra.
Nagpadabog lang si Chandra habang paupo.
"Iha, alam mo bang pinaghahanap ka ng nanay at tatay mo?" tanong ng police.
"I know but I don't care," napairap na lang siya sa hangin habang sinasabi niya iyon.
"Bakit ka ba kasi naglayas iha?" tanong ulit ng police.
"Hindi niyo alam ang sitwasyon ko kaya bakit niyo ako pinapakialaman!?" pasigaw niyang sabi.
"Iha, tumutulong lang kami," pahayag naman ng police.
"Well in my case hindi niyo ako tinutulungan!" pasigaw ulit niyang saad.
Nakahalukipkip na siya habang nakaupo at nakairap sa hangin.
Pero ilang saglit pa ay nagring ang cellphone niya. Kaagad naman niya itong kinuha sa kanyang sling bag at napag-alaman niyang si Kim ang tumatawag sa kanya kaya naka-isip siya ng ediya.
"Mommy tulungan mo naman ako, nandito ako ngayon sa police station. Ikukulong daw nila ako. I'm scared mommy." Sinadya talaga niya na paringgan ang nasa paligid niya at tama nga siya ng inexpect na magugulat sila sa kanyang sinabi.
(Ano bang sinasabi mo Chandra? At saka sinabi ng driver ko na wala ka na sa mall, saan ka ba pumunta?) tanong ni Kim sa kabilang linya.
"Sinabi ko nga na nasa police station ako," sabi ni Chandra pero hindi niya pinapahalata na nagsisinungaling siya.
"Pero miss-"
"Dalian mong pumunta rito mommy," sinadya rin niyang putulin ang sasabihin ng police.
At nang ibinaba niya ang tawag niya ay binelatan pa niya ang police.
"Baka mali lang kayo ng hinuli kasi darating na ang mommy ko at lagot kayo." Tinuro pa niya isa-isa sila. Magmula sa police sa lalaking humuli sa kanya at sa babae.
"Pero sigurado talaga akong ikaw 'to," sabi ulit ng lalaki.
"Pero nagkamali ka," sagot ulit ni Chandra at ilang minuto pang paghihintay ay dumating na nga si Kim.
Kaagad namang tumayo si Chandra para salubungin si Kim.
"Mommy," sabi niya at hinawakan na nga ang braso ni Kim palabas ng police station.
Naiwan namang nakatulala ang police, ang babae at ang lalaki.
"Mommy ka riyan. Mag-ate nga lang ang agwat ng age natin," sabi ni Kim nang pasakay na sila ng kanyang kotse.
"Huwag ka ng mag-alala manager, hindi naman halata," sabi lang ni Chandra.
"Ano bang nangyari?" curious namang tanong ni Kim na katabi lang ni Chandra sa backseat.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...