Chapter 18: Eden Garden

105 32 7
                                    

Eden Garden

Third person's POV

Marami na silang nakitang iba't-ibang bulaklak at paliwanag din naman ng paliwanag ang tourguide.

Hanggang sa nakalagpas na sila sa path ng mga bulaklak at bumungad sa kanila ang matataas na halaman pero merong pagpasukan.

"Ang nakikita naman po natin ay maze plant. Mahigit isang taon din bago nila naayos at napaganda ito. So every person kasi na pupunta rito ay may activity na gagawin. Kailangan muna nating magblind fold." May binigay siyang tig-iisa nilang panyo na malaki.

Tinanggap naman nila lahat iyon.

"So fourty minutes po kayo duon. Ifigure out niyo kung pano kayo lalabas at kung makalabas kayo ay may reward pero kung hindi kayo makalabas within fourty minutes ay susunduin kayo ng chopper namin kung nasaan man kayo diyan sa loob ng maze," paliwanag muli ng tourguide.

"Astig, may chopper sila," sabi ni Ricky.

Hindi muna sila nagblind fold dahil nagpapaliwanag muna ang tourguide.

"Hahatiin namin kayo tig-dadalawa at hindi kayo mamimili  kun'di kami pero hindi niyo malalaman until tatanggalin niyo na ang inyong mga blind fold. At dahil thirteen kayo ay tatlo ang isang grupo. So magblind fold na kayo para maigrupo na namin kayo," sabi ng tourguide kaya dahil dun ay nagblind fold na silang lahat.

May mga kasama na ang tourguide para magpartner-partner sa kanila. At nang nakapagpares-pares na sila ay pumasok na sila sa loob.

Linigaw-ligaw nila ang labintatlo pero syempre hinawakan nila sila kasi nakablind fold nga sila.

Every magpartner ay may pinaglagyan sila. Sanay naman na kasi ang mga tourguide sa maze kaya nakakapasok sila at nakakalabas ng hindi nahihirapan.

Tinanggal na ni Vicky ang blind fold niya at sakto namang nakaalis na ang tourguide.

Tinignan niya agad ang partner niya at napatakip na lang siya sa bibig dahil sa nakita.

"Ikaw!" sabi niya habang nakatingin sa nag-aayos ng buhok dahil sa panyo. At ito ay si Peter.

Napalingon naman siya sa kanya dahil sa sigaw nito.

"Bakit ka ba sumisigaw?" tanong niya.

"Eh bakit kasi ikaw nanaman?" tanong ni Vicky sa kanya.

"Kasalanan ko ba? Rinig mo naman sila kanina na sila ang pumili ng ipapartner sa'tin," sabi niya at sinamaan lang ng tingin ni Vicky si Peter.

'Sinisimulan ko ng ihate si tadhana,' sabi ni Vicky sa kanyang sarili.

"Imbes na magreklamo-reklamo ka diyan. Tulungan mo na lang akong hanapin ang palabas dito," sabi niya.

Nagsimula na siyang lumiko-liko. At heto naman si Vicky na sumunod din sa kanya.

"Sigurado ka bang tama ang pinupuntahan mo?" tanong ni Vicky sa kanya.

Napatigil si Peter at napakamot sa ulo niya. "Hindi nga eh," sabi niya at lumiko pa ng isang beses.

"Teka, 'di ba dito na tayo nanggaling?" tanong pa ni Vicky.

"Oo nga 'no," sabi naman ni Peter.

"Ako na nga sumubok," sabi ni Vicky at siya na ang naglead ng daan.

Napangiti naman si Topher nang malamang si Chandra ang partner niya.

"Ikaw nanaman? Kung alam ko lang gumawa ka ng paraan para magkapartner tayo 'no?" tanong naman sa kanya ni Chandra.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon