Coincidence
Kristy's POV
"Kristy?" Napaangat ng kusa ang ulo ko nang marinig ko nanaman ang boses ni mystery guy pero imbes na siya ang makita ko ay si Toni naman ng Kingston ito.
Hindi muna ako magpapakafangirl ngayon kasi sobrang broken ko. At naibuhos ko na lang ang paghagulgol at paghikbi ko.
"Bakit?" tanong niya na nakahawak pa rin sa magkabilang balikat ko.
Pero imbes na sumagot ay nilakasan ko lang ang pag-iyak ko.
"Halika nga rito," pinaupo niya ako sa pinakamalapit na upuan na makikita namin.
"Ano bang nangyari?" tanong ulit niya.
Hindi na ako humagulgol at humihikbi-hikbi na lang ako ngayon.
"Dito ka muna, bibilhan lang kita ng tubig," sabi niya at patakbo ng pumunta sa pinakamalapit na grocery.
Ilang minuto lang ng paghihintay ko ay dumating rin siya sabay abot ng tubig. Kinuha ko naman ito at uminom na agad. Kumalma naman na ako ng konti.
"Pwede mo na bang sabihin kung anong nangyari sa'yo?" tanong niya muli pero naiispeachless talaga ako kaya napatahimik na rin siya.
"Salamat sa tubig," sabi ko lang at tumayo na at akmang maglalakad na sana palayo nang hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Sabihin mo na ang problema mo. Alam kong kailangan mo ng karamay ngayon," sabi niya kaya nagtaka ako.
"Bakit ka ba ganyan Toni? Parang matagal mo na akong kilala." Tumayo na rin siya at binitiwan na ang kamay ko.
"Because I care people specially to our fans. 'Di ba fan ka namin?" sabi niya.
Nang marealize kong fan nga pala nila ako. And they just care because I'm just their fan. Bakit ko nga ba iniisip na mas malalim pa dun yung meaning ng pinapakita niya.
Bumalik na ako sa pagkakaupo at sumunod naman siya. Siguro naman pwede ko ng sabihin ang problema ko sa kanya.
"Yung boyfriend ko kasi, nanliligaw ng iba habang may kami pa," paliwanag ko.
"Sabi ko kasi sa'yo eh," sabi niya na ipinagtaka ko.
"Huh?" tanong ko.
"Ah wala, ibreak mo na siya. Wala siyang kwenta," wika naman niya.
Infairness ha, ang diretso niyang tao.
"Wala na kami, I think official na ang breakup namin dahil sa nangyari kanina."
"Huwag mo na siyang kontakin ulit. Putulin mo na ang komunikasyon mo sa kanya," pag-aadvice niya.
"Okay, I will take your advice mister. But do you mind if I'll go ahead?" tanong ko tumayo na muli.
Syempre nagpaalam na ako at hindi kagaya kanina na paalis lang sana ako na hindi nagpapaalam sa kanya.
"Of course," sabi niya at nagpatuloy na nga ako sa paglalakad.
Medyo nakalayo na ako nang muli akong lumingon sa kanya na nakaupo pa rin sa bench.
Wait, si Toni ba yun? Nakausap ko ba si Toni? Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. OMG, kinausap ba ako ni Toni? Kyaaahhh! Sisigaw sana ako ng malakas pero baka pagkamalan akong baliw dito kaya nagsisisigaw na lang ako sa loob-loob ko.
Nakangiti pa rin ako habang pabukas na sa gate ng bahay. Nadatnan ko si mama sa sala.
"Saan ka galing?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fiksi Penggemar(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
