Chapter 34: New Year's Eve

82 18 0
                                    

New Year's Eve

Third person's POV

Nakauwi na ang Spice Girls galing sa party.

"Ang saya pala ng christmas party nila," sabi ni Shaira nang papasok pa lang sila sa kanilang dorm.

"Oo nga pero I wonder kung ano ng nangyari kina manager Mack at ate Kim after nilang umalis sa event," sabi naman ni Chandra.

"Baka nagkamoment na sila," sabi naman ni Vicky.

"Pero hindi namin makakalimutan ang moment niyo kanina," pang-aasar muli ni Lailly kay Vicky.

"Ano ba, bakit niyo ba laging pinapaalala yun," saad ni Vicky at binilisan ng maglakad para makapasok na agad sa kwarto niya at isinara pa ang pinto nito.

"Napikon," wika naman ni Shaira at sunod na rin silang pumasok sa kanya-kanya nilang kwarto.

***

Lumabas na si Vicky sa dorm nila para kitain ang mama niya. Pupunta kasi silang dalawa sa kulungan para bisitahin si Fed. Pero habang naglalakad siya ay may nakasalubong siya habang nagjojogging pa ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Peter sa kanya.

"Ah bibisitahin ko lang si papa sa kulungan," sagot naman ni Vicky.

Hindi pa sila makatingin sa mata ng bawat isa dahil sa nangyari kagabi.

"Samahan na kita," sabi naman ni Peter at hinawakan pa ang kamay ni Vicky.

Si Vicky naman ay nakatingin lang sa kamay nilang magkahawak. Naglakad pa sila hanggang sa narating na nga nila ang bahay nila Vicky. Yun lang yung time na tinanggal ni Peter ang pagkakahawak niya sa kamay ni Vicky.

"Ma tara na," sigaw ni Vicky mula sa labas ng kanilang bahay.

"Papunta na!" sigaw naman ni Amy at palabas na ng bahay.

Gulat pa siya ng makita niyang may kasamang lalaki ang kanyang anak.

"Hellow po," wika ni Peter.

"Hellow iho," sabi naman sa kanya ni Amy.

"Ma, si Peter nga pala," pagpapakilala ni Vicky sa kanya.

"Ang gwapo mong bata," pinisil pa niya konti ang pisngi ni Peter.

"Tara na," sabi ni Amy at nagtaxi sila papunta sa kulungan.

Walking distance lang naman ang dorm nila sa bahay nila Vicky pero medyo malayo sa kulungan. Sabay-sabay rin naman silang naglakad papasok sa loob.

Iniabot na ni Vicky ang notebook niya kay Fed nang nandun na sila sa iisang table para sa mga binibisita.

Tinignan lang muna ito ni Fed. "Sinulat ko 'yan lahat para sa'yo papa," ani niya. "Nung mga time na hinihanap pa kita, diyan ko sinulat lahat ng mga gusto ko sanang sabihin sa'yo," sabi pa ni Vicky.

Sinama pa rin nila si Peter sa loob dahil mapilit ito at gusto rin naman niya.

"Sorry talaga anak," sabi naman ni Fed at hinawakan ang dalawang kamay ni Vicky na nakapatong sa lamesa. "Babasahin ko 'to sa loob," pahayag naman niya at kita niyang umiiyak na si Amy.

"Ilang taon mo akong hindi binisita Amy, yun pala malalaman ko na lang ng may bago ka na," sabi ni Fed.

Pero umiyak lang si Amy. "Sana mapatawad mo ako," sabi naman niya rito.

"Kailan naman ang kasal niyo?" Nagulat pa pati si Peter at Vicky sa narinig mula kay Fed.

"Wala na kami Fed."

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon