Prologue

564 56 92
                                    

Mabilis ang kilos ng mga kasapi sa pagnanakaw at nakuha nga nila ang case na puno ng pera na hindi man lang napapansin ng may-ari.

Tinabihan kasi siya ni Federick at pinagpapasa-pasahan palayo sa may-ari without him knowing.

"Good job Fed at dahil diyan. Ikaw ang may pinakamaraming shares compare sa mga iba ko pang tauhan," sabi ng pinakahead nila. Yung taga utos kung ano ang susunod nilang gagawin.

"Ang sunod niyong target ay kidnapin niyo ang batang ito," sabi niya at nagpakita ng litrato ng bata. "At ito ang itsura ng bahay nila," sabi ulit niya at nagpakita ulit ng litrato na nakaprint out.

"Kailangan tyempuhan niyo ang paglabas niya, huwag kayong susugod sa loob kasi baka marami silang guards o cctv," mahabang paliwanag ng kanilang head.

"Opo," sabi naman ni Federick.

Sumunod nga ang lahat sa pinag-uutos ng head nila. At matagal ding naghintay ang mga kawatan para matyempuhan ang bata sa labas ng bahay nila. At nang tuluyan na siyang lumabas ay may nakabunggo sa kanyang dalawang bata. At nang dukutin na nila ang batang pinapakuha ay nadukot din ang dalawang bata.

"Ilagay niyo na sa sasakyan, dali!" sabi ng isa nilang kasama bago nila tuluyang isinara ang pinto ng van.

Umiiyak na ang mga bata habang umaandar na ang sasakyan.

"Bakit kayo kumuha ng ibang bata?! 'Di ba sabi ko yung lumabas lang sa bahay ang kukunin niyo?!" pasigaw na sabi ni Federick.

"Sorry na Fed, dumaan kasi yung dalawang bata kanina kaya nasama ko," sabi pa ng isa.

"Ang tanga niyo naman. Siguradong papagalitan tayo ni boss," sabi ulit ni Fed.

"Saan niyo po ba kami dadalhin?" tanong ni Chandra na hindi man lang umiiyak.

"Aba matapang kang bata ah," saad ni Fed.

"Saan niyo nga kami dadalhin?!" galit na niyang sabi.

"Pupunta tayo sa mall ibibili ko kayo ng laruan niyo kaya huwag na kayong umiyak," sabi ng isa.

"Talaga po?" tanong naman ni Shaira.

"Oo naman," sagot lang ng lalaki kaya tumigil na si Shaira at Lailly sa pag-iiyak.

"Huwag kayong maniwala, hindi totoo 'yan," sabi muli ni Chandra.

"Alam mo ikaw bata ka. Kumukulo dugo ko sa 'yo alam mo ba yun?" sabi ni Fed na hinawakan pa ng marahas ang braso ng bata.

"Aray! Ano ba! Saan niyo ba talaga kami dadalhin? Maraming pera ang mama at papa ko, babayaran niya kayo basta pakawalan niyo na kami," matapang pa ring saad ni Chandra.

"Hindi yun ganun kadali bata. Sigradong patay kami kapag pinakawalan ka namin," sagot muli ni Fed.

"How about them? Kawawa naman sila kung pati sila kikidnapin niyo," wika ni Chandra.

"Nakuha na sila. Hindi na kami pwedeng bumalik kasi baka mahuli kami kaya wala na rin kaming magawa kundi isama sila," saad ni Fed.

Naging tahimik na sila hanggang sa malapit na silang makarating sa pagdadalhan nila sa mga bata.

"Hindi niyo po ba kami sasaktan?" tanong naman ni Lailly.

"Hindi namin maipapangako bata." Dahil dun ay nangamba sila. "Pero joke. Maipapangako namin na hindi namin kayo sasaktan sa isang kondisyon," sabi ulit niya.

"Ano po yun?" nangangamba pa ring sabi ni Shaira.

"Kailangan gawin niyo ang lahat ng pinag-uutos at pinapagawa namin. Maliwanag?" tanong pa nito.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon