Chapter 41: Untold feeling

88 20 0
                                        

Untold feeling

Third Person's POV

"Nakakapagtaka bakit kaya walang katao-tao ngayon?" tanong ng isa niyang kasama na waitress din.

At dun din niya narealize na walang tao ngayon sa restaurant nila. Na may pumasok din na waitress sa kusina nila.

"Vicky may naghahanap sa'yo," sabi niya kaya dali-dali siyang lumabas para tignan kung sino ang naghahanap sa kanya at nakita lang niya ang likod ng isang lalaki habang nakaupo sa two seaters table.

"Anong kailangan-" nagulat si Vicky nang tanggalin ng lalaki ang mask at sumbrero niya. "Bakit ka nandito Peter?" tanong agad niya.

"Para bisitahin ka. You know, bogosipda," sagot naman ni Peter.

"Alam mo tigilan mo na ako sa kakakorean mo ah. Alam ko na meaning ng chuahae," sabi naman ni Vicky at naupo na nga sa tapat na upuan ni Peter.

"Anong ibig sabihin?" tanong ni Peter at may pilyong ngiti ang sumilay sa labi niya.

"I like you," sagot ni Vicky.

"I like you too," gulat si Vicky dahil sa sinabi ni Peter.

"Ha? Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Eh ano ang bogosipda?" tanong muli ni Peter.

"Sa tingin mo ba alam ko ha?" wika ni Vicky.

"I miss you," napakurap si Vicky ng mata dahil sa sinabi ni Peter. "I miss you so much."

"Lokohin mo na ang lahat ng babae huwag lang ako Peter," tumayo na si Vicky sa kanyang upuan. "Umalis ka na Peter magtratrabaho pa ako." Hindi tumayo si Peter sa kanyang upuan at inabot lang ang kamay ni Vicky na pilit naman niyang tinataboy.

"I rented this for a day," napanganga si Vicky dahil sa sinagot ni Peter.

"Ano?!" 'di makapaniwalang sabi niya at napaupo na muli. "Bakit mo yun ginawa?" tanong niya.

"Syempre gusto kitang makasama at sinabi ko na nga sa'yo na miss kita kaya ko ginawa yun," sagot lang ni Peter.

"Peter naman..."

"Bakit hindi mo ba ako namiss?" tanong niya na nagpaspeechless kay Vicky.

"Waiter!" sabi niya at pumunta na agad ang waiter sa pwesto nila at namili-mili na si Peter sa menu. "Samahan mo akong kumain kakadischarge ko lang sa ospital kanina eh. 'Di pa ako kumain," sabi ni Peter kaya walang nagawa si Vicky kun'di samahan si Peter.

Hindi pa rin naman siya nag-aalmusal.

"Hindi ka nag-almusal 'no?" tanong ni Peter sa kalagitnaan ng pagkain nila.

'Pano niya nalaman?' tanong ni Vicky sa sarili niya.

"Yung paraan ng pagkain mo. Parang gutom na gutom eh," sabi ni Peter na ikinahiya naman ni Vicky.

"Nagmamadali kasi ako kanina eh," sagot naman ni Vicky.

"Huwag kang magpalipas ng gutom, masama 'yan," saad ni Peter.

"Bakit mo sinasabi 'yan?" nagtatakang tanong ni Vicky habang patuloy pa rin siya sa pagkain.

"Because I care for you," nasamid pa si Vicky dahil sa sinabi ni Peter.

"Okay ka lang?" tanong naman ni Peter at binigyan pa si Vicky ng tubig.

"O-okay lang ako," sagot naman ni Vicky.

At nang natapos na silang kumain ay ibang waiter ang naglinis ng nagkainan nila.

"Alis ka na ba?" tanong ni Vicky.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon