True love waits
Third person's POV
Nagsihulugan na ang luha ng babae nang papalapit na siya sa kabaong.
"Gion! I'm sorry, I'm sorry kasi sumuko agad ako sa relasyon natin."
Nagtataka naman si Zack habang nakatingin sa babae pero si Lailly ay pinagmamasdan lang ang mukha ng kanyang ina. Ilang sandali pa ay napalingon si Lea sa gawi ni Lailly at kita naman ni Chandra ang nangyayari.
"Ikaw ba ang kagroupmate ni Chandra?" tanong nito kay Lailly.
"Opo," sagot naman niya.
Parang nagslow motion ang pagsakop ni Lea ng distansiya nila para yakapin ito habang nakaupo pa si Lailly. Waring nagselos si Chandra sa ginawang iyon ng kanyang ina kay Lailly. Pero pilit lang niya itong pinigilan at hindi inintindi kasi nanay rin naman ni Lailly ang mommy niya saka matagal ding nawalay ito sa totoo niyang pamilya.
Pero hindi pa rin talaga maalis na hindi pa siya niyakap ng kanyang ina gaya ng pagyakap niya ngayon kay Lailly. Umiwas na lang din siya ng tingin a eksenang nasa harapan.
"Akala ko nawala ka na sa'kin anak." Hinawakan pa ni Lea ang magkabila niyang pisngi.
"Wait, anak niyo po si Lailly?" nagtataka namang tanong ni Zack kay Lea at bumaling siya kay Lailly. "I thought you told me that your mom was dead at wala ka ng ibang alam na pamilya mo maliban kay tito?" tanong pa nito.
"Hindi ko alam. Nawalay lang din ako sa kanila ng wala akong kaalam-alam," sagot naman ni Lailly rito.
"What do you mean na walang kaalam-alam?" naguguluhan pang tanong ni Zack.
"Mahabang kwento pero to make it short parang kinidnap ako nung bata pa ako," sagot ni Lailly.
"I hope na makwento mo ng buo iyan." Nag-alangan naman ang mukha ni Lailly dahil mahaba-haba rin yun. "Kahit na sobrang haba pa, pakikinggan ko kung ano man ang kwento mo," sabi pa niya.
"Sure ka?" nag-aalangan pa rin niyang tanong.
"Oo saka siya ba ang nanay mo?" tinuro pa ni Zack si Lea at tumango lang si Lailly bilang sagot.
Tumayo na si Zack para kamayan si Lea. "Hi tita," sabi pa niya.
"Hellow iho. Napakabait mo namang bata. Ang swerte ng anak ko sa'yo," sabi ni Lea na nagpataka sa dalawa.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong naman ni Lailly.
"Hindi mo ba siya boyfriend?" nagtatakang tanong ni Lea.
Napatawa na lang ng mahina si Lailly sabay sabi ng, "hindi po, magkaibigan lang po kami," napatango na lang si Lea pero nakangisi pa rin siya sa dalawa.
"Nga pala, mommy na lang tawag mo sa'kin," sabi ni Lea.
"Upo po kayo mommy," sabi ni Lailly at naglaan ng upuan para kay Lea. Dahil kanina pa siya nakatayo. "Tama nga po ang kwinento ni Chandra na mabait kayo," nakangiti pang sabi ni Lailly.
"Kwinento ako ni Chandra?" hindi makapaniwalang tanong ni Lea.
"Opo," sagot naman ni Lailly sa kanya.
Busy pa rin si Chandra sa pagsulyap-sulyap sa nag-uusap na mag-ina. Hindi naman kasi niya naririnig ang mga pinag-uusapan nila dahil medyo malayo rin sila sa mga ito.
"Ang ganda ng mama niyo Chandra," komento ni Vicky pero hindi makangiti-ngiti si Chandra dahil hindi siya makapaniwalang may kaagaw na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Nasanay kasi siya na nasa kanya lahat ng atensyon dahil only child lang ito.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
