Chapter 40: Issues

75 17 0
                                    

Issues

Chandra's POV

Pagkatapos ng practice namin ay binisita namin si Vicky. Syempre miss na namin. Hindi na rin namin inabalang sabihin kay Kristy. What for? She deserve to threated this way.

Nang makarating kami sa bahay ni Vicky ay kumatok na kami agad. Binuksan naman ito ni tita Amy.

"Anong dahilan ng pagpunta niyo rito?" tanong ni tita.

"Bibisitahin po sana namin si Vicky tita," sagot ni Shaira.

"Wala siya ngayon mga iha eh, nandun sa pinagtratrabahuhan niya," sabi ni tita.

"Saan naman po tita?" tanong ko at binigay na ni tita ang address ng bagong pinagtratrabahuhan niya.

Sumakay na ulit kami sa van at pumunta na nga sa sinabing location.

"Ang bilis namang makahanap si Vicky ng trabaho," sabi ni Lailly habang papasok pa lang kami sa restaurant.

Naupo na muna kami sa four seater table.

"Ginagawa niyo dito?" Napatingin kami sa nagsalita at si Vicky pala na nakauniform na pang waiter.

"Syempre binibisita ka Vicky," sabi ni Shaira.

"Halika upo ka muna," sabi ko sa kanya.

"Hindi pwede may trabaho pa ako," sagot niya.

"Okay lang 'yan binayaran ko na ang time mo para naman makasama ka namin," sabi ko ulit.

"Miss ka na kaya namin Vicky, tagal ka na naming hindi nakakasama," sabi naman ni Lailly.

"Oo nga Vicky," sang-ayon naman ni Shaira.

"Asus, ganun niyo na ba talaga ako kamiss?" tanong ni Vicky na paupo na.

"Oo kaya," sagot ni Shaira.

"Waiter!" sabi ko at umorder na nga kami ng kakainin namin.

Nagkwekwentuhan at nagtatawanan na lang kami habang kumakain at ngayon ay naglalakad-lakad na lang kami.

"Nalulungkot talaga kami sa pag-alis mo Vicky," sabi ni Lailly.

"Wala naman na tayong magagawa," sabi ni Vicky. "Kumusta pala pakikitungo niyo kay Kristy?" tanong muli niya at natahimik kami.

Nagsisitinginan lang kaming tatlo habang naglalakad pa rin.

"Ano na?" naiinip na tanong pa rin niya.

"Vicky kasi ano eh, 'di ba nga hindi namin matanggap ang pag-alis mo kaya sinungit-sungitan namin siya," paliwanag ko.

"Ano? Bakit niyo naman ginawa yun?" tanong niya.

"Alam ko naman kasi na may ginawa siya kaya natanggal ka at pumalit naman siya," paliwanag ko muli.

"Hindi magagawa ni Kristy yun Chandra, disisyon lang talaga yun ng CEO," rason ni Vicky.

"Saka may something mysterious akong napapansin sa kanya," sabi ni Shaira kaya napatingin ako sa kanya out of curiousity.

"Ako rin," sabi naman ni Lailly.

"Ano naman yun?" tanong ni Vicky.

"May parang pinagkakaabalahan siyang importante, 'di ko lang alam. Napakamisteryoso kasi ng mga kilos niya," paliwanag naman ni Shaira.

"Nung tinawag ko rin siya minsan para kumain na eh may tinago siyang kung ano sa likuran niya at gulat na gulat talaga ang reaksyon niya," sabi naman ni Lailly.

Nang ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag at kita kong si ate Kim pala kaya sinagot ko na ito agad.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon