Chapter 8: Contract

157 43 28
                                    

Contract

Peter's POV

Nang nakahanda na kaming lahat ay dumeretso na kami sa van. Ilang minuto lang ang linakbay namin bago namin narating ang KLM Entertainment.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa office ni ate Kim. At pagbukas ni manager Mack ang pinto ay nakita ko agad ang babae kanina.

Bakit nanaman kaya nandito siya? Don't tell me kasali siya sa bubuuing grupo ni ate Kim? Eh 'di ibig sabihin nun ay lagi ko na siyang makakasalamuha?

"Sila na ba ang bago mong grupo Kim?" tanong ni manager Mack kay ate Kim.

"Oo, ipapakilala ko na sila sa publiko next month," sagot lang ni ate Kim.

"Maayos naman ba ang pamimili mo?" tanong ulit ni manager Mack.

"Oo, 'di ako magsisisi na sila ang pinili ko," sagot ni ate Kim at bumaling ang atensyon niya sa'min. "Kumusta na kayo boys?" tanong lang sa amin ni ate Kim.

"Okay lang naman kami ate," sagot ni Justine.

"Boys, meet Lailly," pagpapakilala ni ate Kim at nagwave lang siya ng kamay at ngumiti konti.

Bakit mga ganito ang kinuha ni ate Kim? I guess hindi marunong sumayaw yung babaeng nakahulogan ng necklace.

Sumagot naman ang iba kong kagrupo ng 'hi' sa kanya pero hindi lahat gaya ko.

"Si Shaira naman," pagpapakilala naman ni ate at tinuro niya pa ang babae.

"Hi, super idol ko kayo. Shaira nga pala," sabi niya at lumapit sa amin para kamayan kaming lahat.

Ayaw ko sana pero siya mismo ang kumuha sa kamay ko at ishinake-shake ito. Sunod niya namang kinamayan ang iba. Unlike me, yung iba ay taos pusong tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Si Vicky naman," pagpapakilala niya sa babaeng nahulugan ng necklace. At nagwave lang siya ng kamay sa'min at nagsabi ng 'hi' at hindi man lang siya tumingin.

Feeling ko talaga ayaw ako ng babae na 'to eh.

"At si Chandra." Tinuro rin ni ate Kim yung isa pang babae.

Pero ibinaling lang niya sa iba ang kanyang tingin sabay sabing, "not interested," cold na pagkakasabi niya.

"Not interested daw. Tinatanggihan na tayo mga pre," sabi naman ni Topher.

Ang hilig talagang mambara ni Topher kahit kailan.

"Topher!" pagtitigil ni manager Mack kay Topher. "Be kind to them?" pagpapatuloy niya.

"What for?" nakahalukipkip na tanong ko naman.

"Peter, lagi niyo na rin naman silang makakasalamuha kaya don't be stupid to them," paliwanag ni maanager.

"If we can," sagot ko lang.

"If I can ang sabihin mo kasi mabait naman kami eh. Ikaw lang talaga ang stupid." Aba talagang binara pa ako ni Zack ah.

Akmang babatukan ko na sana siya pero umiwas naman siya.

"Oh sige goodluck and congrates na lang sa'yo Kimmy," sabi niya.

Tinaptap na lang ni manager si ate Kim.

"Thank you," maikli lang na sagot ni ate Kim.

At sabay-sabay na kaming lumabas sa office ni ate patungo sa labas ng building. Isa-isa na kaming sumakay sa van at dumeretso na si manong driver sa dorm namin.

Nakarating na kami sa aming dorm nang maalala ko ang necklace ng babae. Kaya nagmadali ako ng pupunta sana sa pinto nang mapansin ako ni Ricky.

"Saan ka pupunta Peter?" tanong niya.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon