About the Past
Shaira's POV
"Saan ka pupunta anak?" tanong ni nanay.
"'Di ba po kilala niyo si tito Gion? Yung papa ni Lailly?" tanong ko.
"Oo bakit?" tanong naman pabalik ni nanay.
"May sakit kasi siya sa puso at kailangan ni Lailly ng isang milyon para mapagamot si tito. Nasa ospital sila ngayon nay," paliwanag ko.
"Ano?" gulat na sabi ni nanay. "Hala eh pano kung hindi siya magamot?" tanong niya muli.
"Malamang mamamatay siya nay. Si tito lang naman ang pamilya ni Lailly at wala na siyang alam na kamag-anak niya," malungkot na sabi ko.
"Kawawa naman yung batang yun. Maagang naulila sa ina tapos mawawala rin sa kanya ngayon ang kanyang ama," sabi ni nanay na nanghihinayang.
"Huwag kang magsalita ng ganyan nay. Makakaligtas si tito mula sa sakit niya at hindi siya mamamatay," pag-aasure ko naman kay nanay.
"Eh 'di dapat tumulong tayo sa pagpapagamot kay Gion," sabi ni nanay at nagtungo sa kanyang kwarto.
Sinundan ko naman siya dun at nakita kong kinuha niya ang alkansiya na medyo malaki-laki rin. May susian din kasi ang alkansya niya at lata ito hindi gaya ng iba na plastic o kahoy. Sinusian na niya ito at kinuha na ang mga papel na hinulog niya rito.
"Pangcollege niyo na sana nila Fellie at Soffie ito pero sa tingin ko ay mas kailangan niya ito," sabi niya at inabot na sa'kin ang makapal na papel na pera.
"Ilan naman ito nay?" tanong ko.
"Bilangin mo," sabi lang niya kaya binilang ko na ito at napag-alaman kong fifty thousand ito.
Kinuha ni nanay ang ilang pera sa alkansya niya at ibinigay sa'kin ang mga barya.
"Ipabuo mo 'yan. Malaki ring tulong 'yan," sabi pa ni nanay.
"Ilan naman ito nay?" tanong ko ulit sa kanya.
"Eh bilangin mo. May utak ka naman para mag-isip," sabi ni nanay kaya wala na akong nagawa kun'di bilangin ang kay dami-raming barya ni nanay.
Hanggang sa nabilang ko na nga lahat.
"Five thousand lahat nay."
"Ipabuo mo," sabi niya ulit sa'kin.
"Sige nay," sabi ko isinupot na ang mga barya at ibinag ko para hindi nila iisnatch-in.
Nang napabuo ko na ay dumeretso na ako sa dorm namin para ipaalam sa kanila ang nangyari kay tito.
Binuksan ko agad ang pinto at nagulat naman sila.
"Akala ko ba sa myerkules pa kayo babalik?" tanong sa'kin ni Vicky.
"Ano kasi, yung papa ni Lailly nasa ospital at kailangan niya ng isang milyon para mapagamot si tito." Mas nagulat naman sila sa sinabi ko.
"Ano?" gulat na sabi ni Vicky.
"May pambayad na ba siya?" tanong naman ni Chandra.
"Wala pa nga eh. Kaya nga nagpapabuo pa ako ng alkansya ni nanay para lang makatulong," paliwanag ko.
"Tara puntahan natin," sabi naman ni Vicky.
Pinuntahan na nga namin sila sa ospital. Nadatnan namin sila sa kwarto ng ospital at si Lailly ay nakalean sa gilid ng bed ni tito at si tito naman ay iniistroke-stroke ang buhok ni Lailly.
Nang binuksan na namin ang pinto ay napalingon agad sila.
"Musta tito?" tanong ko.
"Okay naman ako iha," sagot niya.

BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfic(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...