(Complete)
Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood.
A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform.
Started: July 1, 201...
Nagising ako dahil sa tunog ng tricycle. Ang aga nanamang namasada ni papa. Kaya nagpatingin lang ako sa bintana ng kwarto ko at tinignan ko lang ang dinaanan ni papa.
Ang gusto ko lang naman ay ang oras niya. Ni hindi nga niya naaalala ang birthday ko minsan. Nagtatampo man ako minsan pero nagkakaayos din kami at the end of the day.
Nagprepare na ako para school kahit maaga pa kasi marami pa akong gagawin. Wala din naman kasi kaming kasama sa bahay, tnaging ako lang at si papa.
Nag-igib na muna ako ng tubig pampaligo. At tignan ko sa may lamesa ay may nakatakip na mga pagkain. Baka linuto ni papa. Kaya minsan naiisip ko rin na swerte ako kay papa kasi kahit na single dad siya at kahit na wala siyang masyadong time sa 'kin ay bumabawi naman siya sa maraming paraan.
Nang matapos ko na nga ang mga gawaing bahay at nakapagprepare na para sa pagpasok ko sa school ay naglakad na nga ako mag-isa papunta sa school na pinapasukan ko. Nalalakad lang din naman kasi ang school ko. Hanggang sa nakarating na nga ako rito ay linagpasan ko lang ang mga tao sa daan hanggang sa nakarating na ako ng room. Wala naman din akong pakealam sa kanila eh. Basta ang akin lang ay mag-aaral ako ng mabuti. Pero mukhang magbabago na yata ang takbo ng buhay ko.
Ibinaba ko na muna ang bag ko sa upuan ko at umobob duon dahil sobrang antok na antok pa rin ako.
"So who's interested?" tanong ni ma'am.
Hindi ko alam kung anong meron sa 'kin at napataas ako ng kamay sabay bangon mula sa aking pagkakaubob sa arm chair ng upuan ko. Napanaginipan ko pa naman na naging successful daw ang trabaho ko.
"Si Lailly lang ba?" rinig kong tanong ulit ni ma'am sa 'kin.
Ano bang sinabi ni ma'am? Lagot ako nito. 'Yan kasi Lailly eh matulog pa kasi sa oras ng klase.
"Ako rin po." Lumingon ako kung sino ang nagsalita at yun ay si Shaira na classmate ko. Hindi ko naman din siya close. May mga sarili siyang friends at ako ay wala huhu.
"Good," rinig kong sabi muli ni ma'am.
At pagkatapos nun ay pinagpatuloy na nga ni ma'am ang pagdidisscuss. Pero wala pa rin talaga akong kaalam-alam sa sinabi ni ma'am kanina. Ayoko namang maka-interrupt sa pagdidiscuss ni ma'am dahil lang nakatulog ako at hindi ko talaga alam ang sinabi niya kanina. Pagkatapos nga ng klase ni ma'am ay pumunta agad si Shaira sa upuan ko.
"Sigurado ka bang gusto mong mag audition?" tanong ni Shaira sa 'kin nang umalis na si ma'am sa room.
"Ha? Mag audition saan?" naguguluhan ko namang tanong.
"Para sa bagong girl group daw ng KLM entertainment," sagot niya lang.
Wait, KLM entertainment?
"Ha? 'Di ako sasali 'no," sagot ko naman.
"Eh bakit ka nagtaas ng kamay kaninang nagtanong si ma'am?" nagtataka muling tanong niya.
Napaface palm naman ako. Bakit ka ba kasi nagtaas ng kamay Lailly!
"Nagtaas ba ako?" sabi ko at hinawakan pa ang baba na parang nag-iisip.
"Sige na sali ka na para may kasama akong mag audition," pagpupumilit pa niya sa akin na sumali ako.
Alangan namang mag audition ako ng 'di ko alam kung para saan iyon.
"Ha? Eh wala akong kaalam-alam dun," nalilito pa ring tanong ko.
"Wala ka namang ibang gagawin kun'di sumayaw lang at kumanta. Kaya mo 'yan. Ichecheer kita," sabi niya at nalilito pa rin akong nakatingin sa kanya.
Nangamba naman ako dahil dun. Eh wala nga akong background sa sinasabi niya.
Pagkauwi ko ng bahay ay nagpractice-practice naman na agad akong sumayaw pero natutumba-tumba ako at para akong baliw kung sumayaw kaya napaupo na lang ako sa gilid ng kama ko habang napakamot din ng ulo.
Nagtaas ba talaga ako kanina ng kamay? Bakit ko naman ginawa yun napahamak pa tuloy ako.
Hays, bago pa ako makaisip ng kung ano ay nagtrabaho na lang ulit ako sa bahay.
Nagwalis-walis na ako at nakapagluto na rin ng panghapunan namin ni papa. Nakapatong lang ang baba ko sa bintana habang naghihintay ngayon kay papa.
Nang ilang sandali pa ay narinig ko na ang andar ng sasakyan ni papa. Kaya sinalubong ko na siya agad sa labas.
"Bakit ang aga mo naman ngayong nakauwi papa?" tanong ko sa kanya sabay mano ng kamay.
"Walang masyadong pasahero eh," sagot niya at dumeretso na sa loob.
Ganito talaga ang buhay namin. Minsan kung sinweswerte kami ay madaming pasahero si papa at masusustain naman niya ang thirty pesos na allowance ko. Walking distance rin naman ang bahay namin sa school kaya hindi na ako nagpapamasahe.
At kung minamalas naman kami at konti lang ang pasahero ni papa ay mga twenty five or twenty pesos per day lang ang allowance ko.
***
Jisoo as Lailly Soliven
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.